NANANATILING sapat ang currency supply sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.
Ito ang tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kasabay ng pagsasabing ang lahat ng kanilang tanggapan at sangay sa Visayas at Mindanao ay patuloy na nagseserbisyo sa “currency requirements” sa mga lugar na hinagupit ng bagyo sa kabila ng mga isyu sa koryente at Internet connection.
“The BSP also continues to provide full tellering services and stands ready to assist banks in their currency needs,” anang central bank.
Hinimok ng BSP ang mga bangko sa naturang mga lugar “to carry out measures to ensure the availability of cash in their ATMs (automated teller machines) and to service the public’s withdrawal needs.”
“The central bank is committed to meeting currency demands in typhoon-struck provinces to support the immediate recovery of affected areas,” dagdag ng central bank. PNA