TINIYAK ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang kahandaan nito ngayong holiday rush.
Sa inilabas na pahayag ng ahensiya, inaasahan na nila ang passenger traffic surge ngayong holiday season base na rin sa Oplan Byaheng Ayos: Pasko 2024 ng Department of Transportation’s (DOTr).
Nangako ang CAAP na sisigurihin nilang ligtas, maayos at kumportable ang magiging karanasan ng mga biyahero sa 44 paliparan sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.
Ayon kay CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo, kinikilala ng kanilang ahensya ang kahalagahan ng ‘stress free travel experience’ lalo na ngayong holiday season kaya naman tinitiyak na maasahan ang kanilang operasyon at kahandaan ng mga pasilidad ngayong Christmas rush.
Aniya, layon nilang makapagbigay ng maayos at ligtas na biyahe para sa lahat ng pasahero.
CRISPIN RIZAL