PARATING na sa bansa ang bakuna laban sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sa kasalukuyan ay patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga bansang gumagawa nito.
Halimbawa, aniya, sa Vietnam ay nakakita na ng magandang resulta ang mga eksperto sa ginagawa nilang vaccine trial.
Dagdag pa ng kalihim, inaantabayanan nila ang ASF vaccine na gawa ng United Kingdom na sa ngayo’y nasa advanced development stage na.
Nagpahayag na rin, aniya, ang Estados Unidos, na tumulong sa Vietnam, ng kahandaan na tulungan ang Filipinas sa paglutas sa problemang dulot ng ASF.
Ang ASF ang itinuturong isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng karneng baboy dahil sa pagbaba ng supply matapos na maraming hograisers ang maapektuhan ng ASF mula pa noong 2019 nang una itong makapasok sa bansa.
Comments are closed.