(Tiniyak ng DA sa gitna ng pandemya) SUPLAY NG PAGKAIN SAPAT

William Dar

MAY SAPAT na suplay ng pagkain ang bansa sa kabila ng mobility restrictions dahil sa enhanced at general community quarantine (ECQ/GCQ) status sa Metro Manila at mga lalawigan, ayon sa Department of Agriculture (DA).

“We thank our farmers, fishers, and other players in the food value chain for their continuing labor and resilience. Based on our inventory and projections, our food supply situation remains on the optimistic side, even as we are under ECQ or GCQ status. Hence, we assure our countrymen that we will have enough food on our table, during the rest of the year,” pahayag ni Agriculture Secretary William Dar sa 24th meeting ng IATF Task Group on Food Security (TGFS) noong April 8.

Sa pagtaya ng DA, ang nakaimbak na bigas ay tatagal ng 75 araw. Ngayong taon, target ng ahensiya na magprodyus ng isa pang record harvest na 20.4 million metric tons (MMT) ng palay, mas mataas ng 1 MMT kumpara sa naani noong nakaraang taon.

“The supply situation for other major food commodities — that include vegetables, chicken, and fish — is likewise favorable,” sabi ni Dar.

“With this favorable outlook, the DA — in continued, strong partnerships with farmers’ and fishers’ groups, local government units (LGUs), and the private sector — will continue to implement programs and initiatives to further boost food production,” dagdag ng DA chief sa IATF-TGFS regular meeting na dinaluhan ng 60 top officials at representatives ng 20 member-agencies.

Muling inatasan ng kalihim ang DA Regional Field Offices (RFOs) na tiyakin ang tuloy-tuloy na paghahatid ng surplus farm, livestock, at fishery products sa NCR Plus bubble sa pamamagitan ng farmers’ cooperatives and associations (FCAs), at ng Kadiwa outlets.

Muli rin siyang nanawagan sa Philippine National Police at local government units (LGUs) na payagan ang walang sagabal na paggalaw ng mga magsasaka, mangingisda at iba pang essential workers sa food value chain.

Leave a Reply

Your email address will not be published.