SAPAT ang suplay ng mais, bigas, asukal, karne ng baboy, manok, at iba pang mga pangunahing pangangailangan o basic necessities para sa mga susunod na buwan.
Ito ang tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Usec. Roger Navarro sa kabila ng umiiral na tagtuyot.
Batay sa rice supply at demand outlook para sa 2024, nananatiling stable ang suplay ng bigas sa bansa hanggang sa katapusan ng taon.
Habang sapat naman ang suplay ng itlog hanggang sa 6 na buwan, gayundin ang sibuyas, asukal, at isda.
Sinabi ni Navarro na ang mais ay sapat hanggang sa huling quarter ng 2024 o may 42 days na buffer stock, maging ang karneng baboy at manok.
Samantala, tiniyak ni Task Force El Niño Spokesperson at Communications Assistant Secretary Joel Villarama ang sapat na suplay ng tubig at koryente sa Metro Manila at mga lalawigan.