(Tiniyak ng DA sa kabila ng pagtama ni ‘Julian’) WALANG TAAS-PRESYO SA BIGAS

TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na walang magiging biglaang taas-presyo sa bigas kasunod ng pagtama ng Bagyong Julian.

Ayon kay DA Spokesperosn Assistant Secretary Arnel de Mesa, mahigpit na nakatutok ang kagawaran sa epekto ng bagyo, lalo sa Ilocos region at Cagayan Valley.

Matatag din ang suplay ng bigas sa local, gayundin sa imported rice kaya walang dapat ipag-alala ang mga consumer, dagdag pa ni De Mesa.

Batay sa tala ng DA-DRRM Office, nasa 52,000 ektarya ng sakahan ng palay ang posibleng maapektuhan ng bagyong Julian.

Umaasa rin ang kagawaran na manatili ang pinsalang pang-agrikultura sa annual expected losses na nasa pagitan ng 500,000 metrikong tonelada (MT) at 600,000 MT.
PAULA ANTOLIN