SINIGURO ng Department of Agriculture (DA) sa Central Luzon ang maayos at tuloy-tuloy na daloy ng pagpasok ng mga kalakal na pang-agrikultura sa Metro Manila alinsunod sa direktiba ni Sec. William Dar.Ayon sa hepe ng Agribusiness and Marketing Assistance Division ng DA-RFO 3 na si Fernando Lorenzo, nagpapasok ang rehiyon ng 290-300 metro tonelada araw-araw sa Metro Manila.
Ani Lorenzo, handa rin ang DA na tulungan ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang mga ani, indibidwal man ito o grupo, at kina-kailangan aniyang nasa 2.5 metro tonelada pataas ang ani upang hindi masayang ang paggamit ng KADIWA trucks at dapat nasa maayos na kalidad upang hindi magdulot ng problema sa buyer.
Sinabi naman ni AMAD Marketing Specialist Chat Libut, magagamit parin ang lahat ng food pass na kanilang inilabas noong nakaraang taon.
Maaari namang tawagan ang numerong 0998 575 2383/0928 554 7437 o mag-email sa [email protected] kung may katanungan sa food pass issuance.
Ang Metro Manila ay muling isasailalim sa enhanced community quarantine simula ngayong araw, Agosto 6, hanggang Agosto 20’para mapigilan ang pagkalat ng mas mabilis makahawang COVID-19 Delta variant.
853378 317042I believe this internet internet site has some rattling great information for everyone : D. 57780
Hi friends, nice article and nice urging commented here, I am truly
enjoying by these.
574092 642329hi!,I like your writing so a lot! share we communicate far more about your post on AOL? I require a specialist on this region to solve my dilemma. May possibly be thats you! Searching forward to see you. 188954