(Tiniyak ng DA) SAPAT NA SUPLAY PARA SA ‘RICE FOR ALL’

TINIYAK ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa mga consumer ang sapat na stock ng mixed imported at local well-milled rice na nagkakahalaga ng P43 kada kilo sa ilalim ng expanded Rice for All program.

Ito’y kasunod ng pagpapalawak ng Department of Agriculture (DA) sa Rice for All at P29 program nito o ang pagbebenta ng ‘aging but good quality stocks’ ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) sa halagang P29/kg sa 41 Kadiwa ng Pangulo sites sa Luzon.

Sinabi ni Tiu Laurel na ang ahensiya ay may stocks na maaaring tumagal hanggang sa kaagahan ng susunod na taon kasunod ng initial large-scale trial ng Rice for All at P29 programs sa 21 umiiral na Kadiwa ng Pangulo sites.

“Base sa run rate niya, meron na kami stocks hanggang Enero, Pebrero (Based on its run rate, we still have stocks until January, February [2025]),” pahayag ni Tiu Laurel sa isang ambush interview sa Mandaluyong City.

“Unless na biglang naging popular nito talaga at hopefully nga maging popular at sumipa yung pagbili ng tao, then I’m confident we can supply,” dagdag pa niya.

Kabilang sa expanded Kadiwa ng Pangulo sites ay ang mga sumusunod:
• Ocean Fish – Barangay 8, Caloocan
• Barangay 28 Zone 3 Caloocan City – Site 1
• Barangay 28 Zone 3 Caloocan City – Site 2
• Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – Longos, Malabon City
• Kalt Alles – Navotas Fish Port Complex-Philippine Fisheries Development Authority, North Bay Boulevard, Navotas
• 18 Tuazon, Brgy. Potrero, Malabon
• Kalt Alles – Potrero, Malabon
• Sauyo, Quezon City
• Barangay Canlubang, Calamba,, Laguna Compound
• Barangay Daang Bakal, Mandaluyong
• Barangay Hulo, Mandaluyong City
• Barangay Addition Hills, Mandaluyong City
• Bayani Fernando Central Terminal or BFCT Bagsakan, No. 1 Marcos Hiway, Marikina City
• Barangay Tañong, Marikina
• Fortune Barangay Hall, Barangay Fortune, Marikina City
• Concepcion Uno Barangay Hall, Concepcion Uno, Marikina City
• Lot 12 Blk 4 R Thaddeus St. Marietta Romeo Village Brgy. Sta. Lucia Pasig City
• No 4 Geronimo, Philand Drive, Brgy Pasong Tamo, QC
• Zamora St. Cor A. Bonifacio, Brgy Sta. Lucia, Quezon City
• Alley 4, Bulacan St., Brgy. Payatas B, Quezon City

Bago matapos ang taon, plano ng DA na magbukas ng 169 Kadiwa ng Pangulo sites sa buong bansa.

Hanggang nitong Oct. 9, may 142,829 kabahayan na ang nabiyayaan sa programa na may 126,000 kilo ng bigas na naibenta sa ilalim ng Rice for All, at 723,000 kilos sa ilalim ng P29 program.

Nanawagan naman si Tiu Laurel sa publiko na huwag abusuhin ang Rice for All program kahit wala itong purchase limit.

“Baka bilhin dito ng mura, tapos ibenta naman din sa kabilang lugar nang mahal. So, kung pwedeng panawagan sa tao na kung pwedeng for home consumption lang, huwag gawing negosyo (They might buy here at a cheaper price then sell it in other areas at a higher price. So, we are calling to buyers to use it for home consumption only, don’t make it a business),” aniya. ULAT MULA SA PNA