(Tiniyak ng DA) SUPLAY NG SIBUYAS SAPAT

MAY sapat na suplay ng pula at dilaw na sibuyas ang bansa, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Bureau of Plant Industry (BPI) Director Gerald Glenn Panganiban na ang bansa ay kumokonsumo ng average na 4,000 metric tons ng dilaw na sibuyas at 17,000 metric tons ng pulang sibuyas kada buwan.

Ani Panganiban, ang pamahalaan ay may sapat na buffer stock upang punan ang pangangailangan na ito sa susunod na dalawang buwan.

“Yes it is really the off season and mayroon naman po tayong ampat na supply, nararapat na supply lalo na po sa red and yellow onions. Atin pong tinitingnan at tinatarget ay magkaroon ng buffer na isa o dalawang buwan, for both varieties,” pahayag niya sa isang public briefing.

Gayunman ay inamin niya na naghahanda rin ang pamahalaan para sa posibleng pag-aangkat ng sibuyas.

Aniya, patuloy silang kumokonsulta sa mga stakeholder at producer para sa planong importasyon.