(Tiniyak ng DA) SUPLAY, PRESYO NG ISDA STABLE

MATATAG ang suplay at presyo ng isda sa National Plus na kinabibilangan ng Metro Manila at mga karatig-lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna, pagtitiyak ng Department of Agriculture (DA).

“This favorable condition was due to the peak season in the country’s major fishing grounds, as well as from the DA’s efforts to ensure food security amid the pandemic,” wika ni Agriculture Secretary William Dar sa isang statement.

“During the second week of the month, from April 8 to 14, total volume of marine fish catch unloaded at the Navotas Fish Port Complex amounted to 3,760 metric tons (MT), 200 MT more than the previous week,” ayon kay Dar.

Tinukoy ang mga report mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) ng DA, sinabi ng kalihim na karamihan sa mga dumadating na suplay ay galunggong na may kabuuang 2,280 MT, habang ang iba ay kombinasyon ng turay, tulingan, tunsoy, tamban, pusit, matambaka, gulyasan, dalagang bukid at hipon.

Ang mga isda ay nahuli sa dagat na sakop ng eastern at northern Palawan, Zamboanga Peninsula, at Visayan Sea.

Marami rin aniyang suplay ng bangus at tilapia na nagmula sa mga fishpen at fishpond sa Bulacan, Pangasinan, Taal Lake sa Batangas, at Laguna de Bay.

“As a result, prevailing retail prices of the most in-demand fishery commodities remained stable in most public markets in the NCR plus,” ani Dar.

Sa 10 retail markets at isang wholesale market sa NCR, ang presyo ng kada kilo ng galunggong ay nasa P180 hanggang P240, habang ang presyo ng tilapia ay naglalaro sa P120 hanggang P130 kada kiko at P180 naman sa bangus.

Mas mababa ito kumpara sa presyo sa huling bahagi ng 2020 at first quarter ng 2021 nang ang presyo ng galunggong ay sumipa sa P300 kada kilo, bangus sa P220 kada kilo at tilapia sa P160 kada kilo.

“In the months ahead, we will continue to make fishery products and food, in general, accessible and affordable to all consumers, particularly in the ‘NCR plus’ and in other urban communities, where the threat of hunger looms,” anang kalihim.

“In all our efforts, we will also ensure that small fishers get reasonable prices for their produce and fish catch, and thus  respectable earnings for their families,” dagdag pa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *