TINIYAK NG DA: WALANG OUTBREAK NG ASF

African Swine Flu

WALANG outbreak ng African Swine Flu (ASF) sa Filipinas.

Ito ang tiniyak ng Department of Agriculture  kaugnay ng pangambang ASF ang sakit na naging sanhi ng pagkamatay ng mga alagang baboy sa ilang barangay sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Agriculture Spokesman Noel Reyes, mahigpit nang ipinatutupad ang kanilang protocol sa mga lugar na mayroong insidente ng pagkamatay ng baboy.

Kabilang sa mga protocol na ito ay ang agarang pagre-report ng pagkakasakit o pagkasawi ng alagang baboy na sakop ng 10-kilometer radius at mahigpit na surveillance sa hog industry na sakop ng 7-kilometer radius.

Kasabay nito, ipinagbawal muna ang swill feeding para maiwasang lumaganap anumang sakit ang dumapo sa mga alagang baboy.

Sa ngayon, hindi pa rin naman tukoy kung anong sakit ang tumama sa mga alagang baboy.

Samantala, tiniyak din naman ng Agriculture Department na patuloy silang naka-monitor sa paggalaw ng presyo ng iba pang karne sa mga pamilihan.

Comments are closed.