(Tiniyak ng DBM sa 2023)UMENTO SA GOV’T WORKERS

TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na may salary adjustment sa hanay ng mga kawani ng gobyerno sa 2023.

Ayon sa ahensiya, kukunin ang 2023 salary adjustment sa last tranche sa bisa ng Republic Act No. 11466 o ang Salary Standardization Law 5 na ipatutupad sa susunod na taon.

Paliwanag ng DBM, kailangang dumaan sa legislative measure ang anumang pagtaas sa suweldo ng mga government employee.

Sa oras na maihain ang bill sa dalawang kapulungan ng Kongreso, magbibigay ang ahensiya ng komento at rekomendasyon ukol dito.

Ginawa ng DBM ang pahayag sa gitna ng hirit ng ilang unyon mula sa pampublikong sektor na itaas ang minimum salary ng mga nagtatrabaho sa gobyerno.

DWIZ 882