(Tiniyak ng DFA) 17 BIHAG NA PINOY NASA ‘MABUTING KALAGAYAN’

NASA ‘mabuting kalagayan’ ang 17 Pinoy na bihag ng Houthi rebels sa Red Sea, ayon sa  Department of Foreign Affairs (DFA).

“Government sources say that the hostages are in good condition, and will eventually be released. Efforts are ongoing for this to happen as soon as possible,” pahayag ng DFA sa isang statement.

Ang DFA ay nagsasagawa ng diplomatic representation sa foreign governments para sa pagpapalaya sa mga tripulante.

Ang 17 ay kabilang sa crew members ng 25 Galaxy Leader na sakay ng cargo ship na na-hijack ng Houthi rebels noong Nov. 19.

Inanunsiyo rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes na magpapadala siya ng  high-level delegation sa Tehran, Iran para magkaloob ng kinakailangang tulong sa mga tripulante.

(PNA)