TINIYAK ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kinakailangang tulong sa isang Filipino domestic worker na nasangkot sa pagkamatay ng isang batang Kuwaiti sa bahay ng kanyang amo.
Sa isang statement noong Sabado ng gabi, sinabi ng DMW na labis itong nag-aalala sa kaso at ipinaabot ang kanilang pakikiramay sa pamilya ng bata at sa Kuwaiti government.
“The DMW, through the Philippine Embassy and Migrant Workers Office in Kuwait, is closely coordinating with Kuwaiti authorities while extending the necessary assistance to the subject domestic worker, with due regard to Kuwaiti laws and the DMW mandate,” pahayag ng ahensiya.
Batay sa report, ipinasok ng Filipino domestic helper ang Kuwaiti child sa washing machine sa bahay ng kanyang amo.
Sumugod ang mga magulang ng bata nang marinig ang sigaw ng kanilang anak at dinala siya sa ospital kung saan siya binawian ng buhay dahil sa injuries.
Ayon sa DMW, ang insidente ay isang “isolated case.”
“We humbly provide the assurance that this tragic incident is isolated and does not represent the values of Filipinos and overseas Filipino workers who are known for their caring nature, professionalism, dedication and hard work,” ayon sa DMW.
ULAT MULA SA PNA