(Tiniyak ng DOE sa gitna ng El Niño) SUPLAY NG KORYENTE SAPAT

KUMPIYANSA ang Department of Energy (DOE)  na may sapat na suplay ng koryente sa bansa sa rurok ng El Niño phenomenon.

Ito’y sa gitna ng patuloy na puspusang hakbang ng pamahalaan para sa posibleng maging epekto ng matinding init ng panahon na inaasahang magtatagal hanggang sa buwan ng Mayo.

Ayon kay DOE Usec. Felix William Fuentebella, hindi malaking concern ang power situation sa bansa.

Aniya, batay sa kanilang pagtataya, walang magiging isyu sa power supply sa bansa sa susunod na mga buwan.

Kasabay nito, tiniyak ng opisyal na patuloy ang ginagawang mahigpit na monitoring ng ahensiya sa timely completion ng major projects ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) sa unang quarter ng  2024.

Alinsunod pa rin ito sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos jr. sa naturang ahensiya na tiyakin ang suplay ng koryente sa bansa sa kasagsagan ng El niño at summer season.

DWIZ 882