(Tiniyak ng DOE sa gitna ng Russia-Ukraine war) SUPPLY NG LANGIS SAPAT

Alfonso Cusi

MAY sapat na supply ng langis sa bansa sa gitna ng nagpapatuloy na tensiyon sa pagitan ng Russia at ng Ukraine, ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso G. Cusi.

Gayunman ay nagbabala si Cusi sa hindi mapipigilang pagtaas ng presyo ng langis sanhi ng upward movements sa pandaigdigang merkado.

“We are not lacking in supply given that we source our crude oil requirements primarily from the Middle East, and finished products from Asia-Pacific. However, the impact of the Ukraine crisis on international oil markets does have a direct effect on our prices,” sabi ni Cusi sa virtual Kapihan sa Manila Bay Forum.

Muling nanawagan si Cusi sa bawat isa “to observe energy efficiency and conservation measures during this critical period.”

Sa kasalukuyang Russia-Ukraine crisis ay sinabi ni Cusi na lalong nabigyang-diin ang kahalagahan ng pagtamo ng energy security at independence para sa isang bansa na tulad ng Pilipinas.

“Our country, as an importer of petroleum products, is again at the mercy of global price movements. We must work towards decreasing our dependence on others for our energy needs,” aniya. PNA