(Tiniyak ng DOE sa mga susunod na taon) SAPAT NA SUPPLY NG KORYENTE

DOE

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) ang sapat na supply ng koryente sa buong bansa sa mga susunod na taon.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes ng gabi, sinabi ni DOE Secretary Alfonso Cusi na makaaasa ang bansa ng karagdagang 7,712 megawatts ng power supply mula 2021 hanggang 2027.

Sinabi ni Cusi na isinasagawa na ang konstruksiyon ng bagong power sources ngayong taon at sa mga darating na taon upang madagdagan ang kinakailangang power requirements sa harap ng patuloy na pag-expand ng ekonomiya ng bansa.

Aniya, sa pagitan ng 2016 at  2020, ang installed capacity ay tumaas ng mula 21,424 MW sa 26,287, o 4,863 MW.

Ayon pa kay Cusi, pinaghahandaan na ng energy stakeholders ang inaasahang pagkaubos ng Malampaya natural gas field sa pamamagitan ng pagtatayo ng bagong liquefied natural gas (LNG) facilities at exploration ng indigenous power sources.

Sa susunod na taon, dalawang LNG projects ang inaasahang mag-o-operate — ang  LNG project ng AG&P and Osaka Gas sa second quarter at ang LNG facility ng First Gen and Tokyo Gas sa third quarter, sabi pa ng kalihim.

“Aside from LNG, we continue to pursue the exploration of our indigenous resources like gas and oil in the West Philippine Sea,” dagdag ng energy chief.

Limang service contracts din, aniya, ang iginawad magmula nang alisin ng pamahalaan ang ban sa exploration activities sa West Philippine Sea noong nakaraang taon.

“The agency has recommended the awarding of four more service contracts for exploration in the West Philippine Sea,” ani Cusi.

Bukod dito, patuloy ring nakikipagpartner ang DOE sa  international community upang pag-aralan ang potential power sources sa hinaharap.

Kabilang dito ang Australian at Japanese firms upang pag-aralan ang hydrogen bilang ‘fuel of the future’.

6 thoughts on “(Tiniyak ng DOE sa mga susunod na taon) SAPAT NA SUPPLY NG KORYENTE”

  1. 471053 26241Fantastic beat ! I wish to apprentice whilst you amend your internet site, how could i subscribe for a blog web site? The account aided me a acceptable deal. I had been just a little bit acquainted of this your broadcast provided bright clear notion 324114

  2. 765897 379112Thanks for providing such an excellent write-up, it was excellent and quite informative. Its my first time that I check out here. I found a great deal of informative stuff in your article. Maintain it up. Thank you. 239133

Comments are closed.