(Tiniyak ng DOE) SAPAT NA SUPPLY NG KORYENTE SA MAY POLLS

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) sa publiko ang sapat na supply ng koryente sa May 9 elections.

Sa isang press briefing, sinabi ni DOE director Mario Marasigan na ang pananaw ay nakadepende sa pagsisimula ng orihinal na commercial operation ng GNPower Dinginin 2, na may  aximum capacity na 668 megawatts (MW).

“We can show you that there are no potential yellow alerts or red alerts for the entire year,” sabi ni Marasigan.

Gayunman, kung isasaalang-alang ang  forced outages sa mga nakalipas na taon, maaari aniyang mangyari ang  red alert sa dalawang magkasunod na linggo matapos ang eleksiyon.

Ani Marasigan, tinukoy ng DOE, kasama ang Energy Task Force Election, ang mga posibleng solusyon kung maaantala ang commercial operation ng GNPower Dinginin 2.

“We have to recognize that even if there will be delays in the commercial operation of GNPower Dinginin 2, by April, they will already start the test and commissioning, and at least 400 megawatts will be available on the grid,” aniya.

Dagdag pa ni Marasigan, ang SMC Mariveles power plant ay inaasahan ding magiging online na may kapasidad na 150 MW.

“Also another solution is we are seeing if we can optimize the Luzon-Visayas interconnection, up to 350 MW would still be available.”

Sinabi ni DOE Undersecretary Felix William Fuentebella na mahigpit na makikipag-ugnayan ang Energy Task Force Election upang matiyak na hindi magkakaroon ng brownout sa araw ng halalan.

Ang task force ay binubuo ng DOE, National Electrification Administration, National Power Corporation, National Transmission Corporation, Philippine National Oil Company, National Grid Corporation of the Philippines, Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation, Philippine Electricity Market Corporation/ Independent Electricity Market Operator of the Philippines, at ng Manila Electric Company. PNA