(Tiniyak ng DOLE) AYUDA SA OFWS SA COVID-HIT SHANGHAI

DOLE

SINIGURO ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagkakaloob ng mga pangunaging pangangailangan tulad ng pagkain at gamot sa overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng lockdown dulot ng COVID-19 sa Shanghai, China.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ginagawa na ng  Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat para matukoy ang mga OFW na nangangailangan.

Sinabi ng DOLE na nakahanda itong magkaloob ng tulong pinansiyal sa mga matutuloy na apektadong Pinoy sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

“As soon as ma-identify natin sila, upon instruction of DFA, we will give them the usual grant of $200 per OFW,” ayon sa DOLE.

Sa report ng CNN Philippines, umaapela ng tulong ang mga Pinoy na direktang naapektuhan ng mahigpit na lockdown sa Shanghai.

Ayon sa mga OFW, ipinatutupad ang ‘no work, no pay’ arrangement sa nasabing lungsod at hirap din silang bumili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Ang ilan sa kanila na walang trabaho at walang pera ay humiling na lamang ng repatriation.