NANINDIGAN ang Department of Transportation (DOTr) na sapat ang bilang ng public transportation para sa mga commuter.
Sa pagsalang sa budget deliberation ng DOTr, sinabi ni Appropriations Vice Chairman Micaela Violago na nasa 28,000 na ang mga jeep na pumapasada, ang modern jeep naman ay nasa 845, ang city bus ay may 4,093 units, ang provincial bus ay may 286 units, habang ang P2P bus ay nasa 387 units.
Ang UV Express ay may tumatakbong 3,300 units, 20,927 units naman ang taxi at 24,356 units para sa TNVS.
Lingguhan na rin, aniya, ang pagbubukas ng dagdag na ruta para sa mga jeep.
Katunayan, nito lamang October 10, 44 na dagdag na PUJ routes ang binuksan para sa 4,200 na units.
Tiniyak din ng ahensiya na wala munang jeepney phaseout bagkus ay tinitiyak lamang ng DOTr ang roadworthiness ng mga jeep.
Patuloy rin ang pagbibigay ng ayuda para sa mga apektadong operator at tsuper sa pamamagitan ng pagkakaloob ng P6,500 na halaga ng cash grant at service contracting na kapwa nakapaloob sa inaprubahang Bayanihan 2. CONDE BATAC
Comments are closed.