MAY sapat na suplay ng Noche Buena products, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Tiniyak ni DTI Asec. Amanda Nograles sa publiko na may mabibili silang Noche Buena items hanggang December 31.
Batay na rin ito sa araw-araw na pagmo-monitor ng ahensiya sa mga produkto sa supermarkets.
“Nagpa-price monitoring po kami sa mga supermarkets at grocery stores araw-araw sa DTI. Sa ngayon, batay sa aming price monitoring reports at sa mga suplay, makakarating ang sapat na kalakaran hanggang sa December 31, 2023, ng mga Noche Buena products. Wala dapat ipangamba,” sabi ni Nograles.
Nauna nang nagpalabas ang DTI ng price guide para sa Noche Buena products.
Lumabas sa Noche Buena Price Guide na nasa 152 mula 240 product lines ang tumaas ang presyo.
Saklaw ng pinakabagong price guide ang ham, fruit cocktail, cheese, keso de bola, mayonnaise, all-purpose cream, sandwich spread, pasta/spaghetti, spaghetti sauce, elbow macaroni, tomato sauce, at salad macaroni