TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi pa tataas ang presyo ng basic commodities at umaasa itong ma-extend ito hanggang Christmas season.
“For now there will be no price increase. We will retain the prices – the SRPs as of now. So of course we always give audience to the manufacturers and we also consult with the consumers just to know what is happening with them and then how their business are doing. But for now, there’s no price increase,” sabi ni DTI acting secretary Cristina Roque.
“I can’t commit now but for now there’s really no price increase and if we can extend it to Christmas of course better for us to have no price increase,”dagdag pa niya.
Ayon kay Roque, nais nilang bigyan ng pagkakataon ang mga consumer na bumili ng mga produkto sa mas murang halaga.
Hinggil naman sa Noche Buena products, sinabi ni Roque na rerebyuhin pa nila kung magkakaroon ng price increase base sa mga panukalang presyo ng mga manufacturers.
“Actually I already told my team that we’re gonna review kasi alam na natin ‘yan na pagdating ng ‘ber’ months of course ‘yung mga ham – everything that’s needed sa Noche Buena ‘yun talaga ang pinagtuunan natin ng atensyon,” aniya.