TINIYAK ng Metopolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi na mauulit ang water crisis noong 2019 sa kabila ng pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam na siyang nagsusuplay ng tubig sa malaking bahagi ng Metro Manila.
Magugunitang noong 2019 ay dalawang linggong nawalan ng tubig ang ilang lugar sa Kamaynilaan.
“We are very concerned, that we have already asked Maynilad and Manila Water to do their, to do what they need to do to augment their water supply,” wika ni MWSS chief regulator Patrick Ty.
“Masisisguro ko lang po sa ating mga consumers ay hindi po mauulit ang 2019 water crisis. Hindi po mauulit ‘yun. But baka magkaroon po ng kaunting inconvenience ngayong darating na summer.”
“In 2019 kasi, mga dalawang linggo walang tubig. Wala pong tubig na lumalabas sa gripo. Ngayon po, sisiguraduhin namin na at least, within 24 hours, ay may tubig na lalabas sa gripo,” dagdag pa ni Ty.
Aniya, ang ginawa nila ngayon ay binawasan ang water pressure.
Inatasan din ng MWSS ang Manila Water at Maynilad na buksan ang kanilang standby deep wells.
Gayundin ay sinabi ni Ty na na-activate na nila ang Cardona Water Treatment Plant para sa mga consumer ng Manila Water.
“Ito po ay kumukuha po ng tubig sa Laguna Lake. Nung crisis po ay hindi pa po ito nade-deliver,” dagdag pa niya.