(Tiniyak ng NEDA) RECOVERY NAKASENTRO SA MAHIHIRAP

Karl Kendrick Chua

ANG MGA maralita ang magiging pokus ng pamahalaan sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua.

Sa isang statement para sa 2021 first semester poverty statistics report noong Biyernes, sinabi ni Chua na natamo ng gobyerno ng mas maaga ng apat na taon, o noong 2018, ang 2022 poverty goal na pag-ahon ng anim na milyong Pilipino mula sa kahirapan.

Ayon kay Chua, bagama’t maagang naabot ang target nito, ang pamahalaan ay patuloy na nagpatupad ng reform programs tulad ng social protection program Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang higit na maiangat ang pamumuhay ng mga Pilipino.

“The results of the game-changing reforms are clear. Prior to the pandemic, economic growth averaged 6 percent, inflation averaged 3 percent, and the rates of poverty and unemployment were at record lows,” ani Chua.

Gayunman, sinabi niya na pumutok ang pandemya at naapektuhan nito ang mga maagang natamo ng pamahalaan.

Ani Chua, na siya ring National Economic Development Authority (NEDA) chief, na tutugunan ito sa pamamagitan ng pinalakas na pagpapatupad ng mga programa tungo sa pagkamit ng inclusive economy.

“We will also improve our social protection programs to support the vulnerable. To this end, we accelerated the implementation of the PhilSys or the national ID (identification) program (to) provide every Filipino with a unique and digitalized proof of identity,” aniya.

Hanggang December 10, sinabi ni Chua na nasa 50 million Filipinos na ang nagparehistro para sa national ID program at 6.7 million ang nakapagbukas na ng bank accounts.

Aniya, ang fully digital ID ay magbibigay-daan para mas epektibong maipatupad ng pamahalaan ang social protection programs at direktang maipamahagi ang mga pondo sa mga benepisyaryo.

“We end this year on track to an early recovery. Our growth prospects are encouraging. As we collectively strive towards our 2040 vision, the poor will be at the center of our recovery and development strategy. No one will be left behind,” dagdag pa ni Chua. PNA