(Tiniyak ng NEDA sa gitna ng pandemya) SUPORTA NG GOV’T SA BIZMEN

Karl Kendrick Chua

IGINIIT ng National Economic and Develop­ ment Authority (NEDA) na dapat pabilisin ang economic recovery package ng pamahalaan para matulungan ang mga negosyo na mapanatili ang kanilang mga manggagawa sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.

“Our recovery program has been in place since last year and implementing this will help the economy recover and businesses to get back to their feet,” pahayag ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua sa 42nd National Conference of Employers kahapon.

Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga employer mula sa mahigit 100 kompanya hinggil sa strategic policy adjustments para sa economic recovery ng pamahalaan, sinabi ni Chua na ang pagpapatupad ng  economic recovery package ang ikalawang bahagi ng three-pillar strategy para mapalago  ang ekonomiya ng 6 hanggang 7 percent ngayong taon at makabalik sa 2021 pre-pandemic levels sa 2022.

Ang recovery package ay kinabibilangan ng kumbinasyon ng fiscal, monetary, at financial instruments na nagkakahalaga ng P2.8 trillion, o 15.4 percent ng gross domestic product ( GDP) ng bansa.

Ang mga reporma ay kinabibilangan ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Act, na nagkakaloob ng largest-ever fiscal stimulus package para sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) o maliliit na negosyo sa kasaysayan, sa pamamagitan ng 5 o 10 percentage-point reduction sa regular corporate income tax rate.

Samantala, ang Financial Institutions Strategic Transfer o

FIST Act ay magpapahintulot sa mga financial institution na i-dispose ang kanilang non-performing loans at assets para matugunan ang problema sa liquidity ng mga kompanya.

Bukod sa pagpapatupad ng recovery package, ang dalawang iba pang pillars para sa pagbangon ng bansa ay ang ligtas na muling pagbubukas ng ekonomiya sa ilalim ng modified community quarantine o MGCQ at ang napapanahong implementasyon ng vaccination program.

“The data shows that employment responds very well to the level of quarantine. When we further reopened the economy, unemployment in the National Capital Region (NCR) went down. But when we reverted back to the enhanced community quarantine (ECQ), it went back up. So, we have seen that the people will find employment if we allow them to do so,” ani Chua.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *