(Tiniyak ng PAFMIL) SUPLAY NG HARINA SAPAT

NANANATILING sapat ang suplay ng harina sa bansa ngayong taon.

Ito ang binigyang-diin ng Philippine Association of Flour Millers (PAFMIL) taliwas sa mga ulat na nagkakaroon ng kakulangan ng harina sa bansa.

Ngunit sinabi ng PAFMIL na asahan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng tinapay dahil sa hindi maawat na pagmahal ng harina sa gitna ng lumolobong presyo ng wheat o trigo sa pandaigdigang merkado.

Ayon kay PAFMIL executive director Ric Pinca, ang nakikita nilang dahilan sa pagtaas ng presyo ng trigo sa ilang bansa na pangunahing wheat exporter ay ang hindi pa natatapos na giyera sa pagitan ng Ukraine at ng Russia, export ban ng India at tagtuyot sa Amerika.

Samantala, ipi­nabatid pa ng PAFMIL na nahaharap na ang mundo sa food crisis at kahit maraming suplay ng wheat ay mahigit kalahati naman nito ang hindi pa na-e-export. DWIZ 882