(Tiniyak ngayong summer) SAPAT NA SUPLAY NG TUBIG

Sevillo David Jr

SAPAT ang suplay ng tubig ngayong summer, pagtitiyak ng National Water Resources Board (NWRB)

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., walang dapat ipangamba ang publiko dahil makasasapat ang suplay ng tubig lalo na at kailangan ito ngayon na panghugas ng kamay at sa mga isinasagawang disinfection drives para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ani David, bagama’t may pagbaba sa lebel ng tubig ng Angat Dam ngayon na nasa 197.6 meters, mas mataas pa rin ito kumpara sa antas ng tubig noong nakaraang taon sa kahalintulad  na panahon.

Dagdag pa ni David, kamakailan lang ay ibinalik na ang water allocation na 46 cubic meters para sa Metro Manila mula sa dating 42 cubic meters para matipid ang suplay ng tubig.

“Inaasahan po natin na itong summer po ay magkakaroon tayo ng karampatang suplay bago umabot iyong mga pag-ulan,” ani David.

Comments are closed.