SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpasa ng Philippine Nursing Practice Act, na naglalayong umunlad ang nursing profession sa pamamagitan ng paglawak ng career prospects at kahalagahan ng nursing education.
Sa kanyang pagdalo sa 100th anniversary celebration ng Philippine Nurses Association (PNA), kinilala ni PBBM ang sipag at sakripisyo ng mga nurse at iba pang health workers para pangalagaan ang iba pa.
“So the government recognizes and acknowledges your hard work and sacrifice, including risking your own health and lives to care for others… In fact, I have taken special note of the clamor to address issues in the nursing profession by the passage of the new Philippine Nursing Practice Act,” ayon kay Marcos.
Tiniyak ng Pangulong Marcos na ang kanyang administrasyon kasama ang Kongreso, ay makikipagtulungan sa PNA para sa reporma na naglalayong mapalawak ang proteksiyon at pag-unlad sa nursing profession sa bansa.
“The Executive department, together with Congress, will work with you to achieve these goals,” ayon kay PBBM.
Sa kanyang talumpati, nais niyang lumikha ng equal footing para sa lahat ng nurses kahit saan pa sila nagsisilbi.
“As part of our goal to raise the profile and improve the working condition of nurses, we seek to address the disparity in salaries between nurses in government hospitals with those in the private sector,” anang Punong Ehekutibo.
Tinalakay rin ng Pangulong Marcos ang pagtutok sa hindi pantay-pantay na distribution ng nurses sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Nangangahulugan ito na tutok din ang pangulo sa health facilities, benefits, at security of tenure.
“As we work hard to improve the state of our healthcare system at home, let us join hands to maintain our country’s position as the gold standard when it comes to providing healthcare workers to hospitals and health facilities globally,” ayon pa kay PBBM.
Nangako ang Pangulo na ang kanyang administrasyon ay magbubukas ng maraming slots para sa deployment ng nurses abroad habang itutulak ang oportunidad naman ng mga nurse na nais lamang sa Pilipinas magsilbi.
Ang nasabing layunin aniya ay matutupad sa tulong ng PNA.
“With the PNA, boasting a 40,000-strong membership, I believe that together we have the ability, we have the strength to improve our nurses’ welfare and build on the Filipino distinction of excellence and competitiveness in the global health community,” dagdag pa ng Pangulong Marcos. EVELYN QUIROZ