(Tiniyak ni VP Sara) UMENTO SA SAHOD NG TEACHERS

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Education (DepEd) na pag-aralan ang pagtataas ng suweldo ng mga guro sa ilalim ng Salary Standardization Law.

Habang tiniyak naman ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na magkakaroon ng umento ang mga guro.

Ang dalawang lider ay kapwa lumahok sa “Brigada Eskwela” activities ng DepEd sa Victorino Mapa High School sa Barangay San Miguel, Manila na nakatanggap din ng donasyon sa pamahalaan na P1 million bukod pa sa pintura at cleaning materials.

Inamin ni Duterte na inatasan siya ni Pangulong Marcos na pag-aralan ang long-term outlook para maibigay ang salary increases sa mga guro mula sa kanilang tinatanggap sa ilalim ng Salary Standardization Law.

Ang pag-aaral ay sasakop sa salary increases para sa teaching at non-teaching DepEd personnel.

“So, we are waiting for the result of that study na nandoon ‘yung increases and then nandoon din ‘yung pagkumpara niya sa inflation at sa mga economic indicators, forecast ng economic indicators sa mga darating na taon,” anang VP Duterte.

-EVELYN QUIROZ