(Tinutulan ng DTI) MAS MAHIGPIT NA RESTRICTIONS SA NEGOSYO

Ramon Lopez

TUTOL si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa pagpapatupad ng mas mahigpit na restrictions sa mga negosyo sa gitna ng banta ng COVID-19 Delta variant.

Giit ni Lopez, sapat na ang mga kasalukuyang protocol kahit matapos na palutangin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na muling magpatupad ng mas mahigpit na restrictions upang maiwasan ang pagkalat ng mas delikado at mabilis na makahawang Delta va­riant na may mga naitala ng kaso sa bansa.

“Kita din naman natin, napakaingat, dahan-dahan ‘yung pagbubukas, ‘di ba?” sabi ni Lopez.

“Nagrereklamo na nga ‘yung mga negosyo pero talagang nag-iingat tayo because of the Delta variant.”

Ayon sa kalihim, hindi siya magrerekomenda ng anumang restrictions, at idinagdag na ang Pangulo ang magpapasya sa bagay na ito.

Hanggang kahapon ay umabot na sa 47 ang kabuuang kaso ng Delta variant sa bansa matapos na may maitalang 12 bagong kaso mula sa Metro Manila (3), Region 3 (6),  Cala­barzon (2), at Region 5 (1).

Nabatid na sa 47 na Delta variant cases, 36 ang nakarekober habang tatlo ang nasawi.

Sa kasalukuyan, tanging travel ban sa mga bansang may naitalang kaso ng Delta variant, kabilang ang Indonesia at India, ang umiiral, habang hinihikayat ang publiko na mahigpit na sumunod sa health protocols at magpabakuna kontra COVID-19.

108 thoughts on “(Tinutulan ng DTI) MAS MAHIGPIT NA RESTRICTIONS SA NEGOSYO”

  1. When I read an article on this topic, bitcoincasino the first thought was profound and difficult, and I wondered if others could understand.. My site has a discussion board for articles and photos similar to this topic. Could you please visit me when you have time to discuss this topic?

Comments are closed.