HINDI sangayon si Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno sa panukalang patawan ng mas mataas na buwis ang luxury items.
Sa kasalukuyan, ang luxury goods ay pinapatawan ng 20 porsiyentong buwis.
Ang pahayag ay ginawa ni Diokno sa pagsisimula ng 2024 budget deliberations sa House of Representatives.
Aniya, mahirap itong ipatupad at madaling iwasan. “I was wondering, do you have anything on your table that propose like a proportional tax, a luxury tax, a wealth tax? Is that something you would consider?” pagtatanong ni Nueva Ecija Rep. Rosanna Ria Vergara kay Diokno.
Sinabi ni Diokno na walang ganoong panukala ang ahensiya. “When you propose a tax, one nice property of a tax is it should give you a high yield and the administrative cost should be very minimal… For example, if you wanna tax diamond, you’re practically not going to collect anything because that’s easy to hide,” ani Diokno.
“Sometimes when you also try to tax a luxury good, people will just go abroad and buy it there… Luxury tax is not part of our proposal at the moment,” dagdag pa niya.
Nauna nang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na maaaring itaas ang buwis sa mga alahas, pabango, at yate sa 25 percent o 30 percent upang madagdagan ang kita ng pamahalaan.