MAHUSAY pala itong si Juami Tiongson ng Terrafirma Dyip at dating NLEX Road Warrior.
Siya ngayon ang pinakamainit na player na pinag-uusapan dahil sa husay at tapang na ipinakita niya sa dalawang sunod na laro nila laban sa mga bigating koponan — San Miguel Beer na una nilang biniktima, at pangalawa ay ang sister team nitong Brgy. Ginebra.
Sa pagpapakitang-gilas ni Tiongson ay marami tuloy ang nagkainteres sa kanya. Dati rati ay hindi siya pinapansin, lalo na noong panahong si CJ Perez ay nasa kampo ng Terrafirma. Naging underrated siya dahil hindi makapagpakita ng husay ng laro. Pero ngayong walang Perez ang Terrafirma ay nabigyan siya ng break ni coach Johnedel Cardel.
Sa ngayon ay interesado ang Gin Kings at Beermen na makuha ang kanyang kalibre. Dati pala ay interesado na si coach Tim Cone kay Tiongson. Bago matapos ang bubble game ay nais na nitong kunin ang guard. Pero dumating si Brian Enriquez, ang Fil-Am rookie ng team kaya nawala sa isip ni coach Cone si Tiongson. Muling nabuhay ang interes sa player nang makita ni coach Cone ang laro at tapang ni Tiongson sa hardcourt na pumatay sa kanila.
At dahil sa magandang ipinakita sa tatlong laro ni Juami sa Dyip, siya ang napiling CIGNAL PBA Press Corps Player of the Week para sa period na September 1-5.
vvv
Magpapatuloy ang mga laro sa PBA ngayong araw na ito.
Na-postpone ang laro ng Ginebra at Meralco, kasunod ang laro ng Alaska at Miguel Beer. Buti na lang at naayos naman agad dahil kung hindi ay delikadingding ang 46th season ng PBA kapag nasira sila sa health protocol ng IATF at DOH.
Ang mga laro ngayong Sept. 8 ay mapapanood sa One Sport. Sa unang laro sa alas-12:30 ng tanghali ay maghaharap ang Magnolia Hotshots at NLEX Road Warrios. Susundan ito ng salpukan ng TNT Tropang Giga at San Miguel Beer sa alas-3 ng hapon at ang main game sa alas-6 ng gabi ay ang bakbakan ng Rain or Shine at Brgy Ginebra na gagawin sa Bacolor, Pampanga. Good luck sa lahat ng teams na may laro ngayon!
vvv
Iba rin naman ang ipinakikita ni Jericho Cruz sa NLEX. Hind kataka-taka kung bakit pilit na kinuha ni coach Yeng Guiao si Cruz sa Tropang Giga na hindi nagagamit sa naturang team.
Pinagkakatiwalaan ni coach Guiao si Jericho, na nagpapakamatay sa loob ng court. Kahit maliit ay talaga namang umiilalim para makipagsiksikan sa pag-rebound.. Nawala man sa team si Kiefer Ravena ay hindi ito malaking kawalan dahil mayroon pa silang Jericho Cruz na maaasahan.
189897 532257Watch the strategies presented continue reading to discover and just listen how to carry out this amazing like you organize your company at the moment. educational 738237
76284 977536I like this site very much so significantly great information. 123121