TIPID-TIPS KUNG MAMIMILI SA GROCERY

GROCERY

ISA sa pinakamahirap na task sa bahay ay ang pagba-budget. Sa rami ba naman ng gastusin, mahirap talagang pagkasyahin ang ating allowance o suweldo. Isa pa, patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin na nakadaragdag pa sa stress.

Kaya’t upang masi­gurado na sasapat ang grocery budget at makokompleto pa rin ang gamit at pagkain na kailangan sa bahay, na­rito ang ilang tipid-tips sa pamimili:

MAG-PREPARE NG GROCERY LIST

Ilista ang mga dapat bilhin bago pa lamang pumunta sa grocery store. Ito ay upang hindi makalimutan ang mga gamit o pagkain na dapat talagang bilhin. Kung tight sa budget, sikapin na huwag nang magdagdag ng gamit na hindi naman nakasulat sa grocery list. Ang paggawa nito ay makatutulong upang ma-estimate kung magkano ang gastos na aabutin at makapaglaan na ng sapat na pera para rito.

HUWAG MAG-GROCERY KAPAG GUTOM

grocerySa personal experience ko, sinisigurado ko na kakain muna ako bago ako mag-grocery. Ito ay dahil madali akong ma-tempt na kumuha ng kung ano-anong pagkain sa grocery store kapag gutom ako.

Mahirap labanan ang cravings lalo na kung kaharap mo na ang pagkain. Kaya ang nangyayari, lumalagpas tayo sa budget. Samantala, mapapansin na hindi ka naka-focus sa pagdampot ng pagkain kung busog ka tuwing mamimili, dahil hindi ka aabalahin ng kumakalam na tiyan.

PILIIN ANG MAS MALALAKING SIZES

Kung mamimili para sa pamilya, bumili ng goods na nasa family size na. Halimbawa, mas mura ang presyo ng 1L ng fresh milk kaysa sa 4 na pack nito na nasa 250 ml. Pareho lang namang 1 litro ng gatas ang maiuuwi mo, ngunit mas makakamura ka sa mas malaking size.

Hindi mo na kasi babayaran ang iba pang costs tulad ng packaging at tax sa karagdagang pakete. Mas convenient din ito dahil matagal itong maubos. Ibig sabihin, minsanan ka lang magagawi sa grocery kaya’t makatitipid ka ng pamasahe o gas.

HUWAG MAGTAGAL SA GROCERY STORE

Ito ang kahalagahan ng pagdadala ng grocery list. Madali mo kasing mabibili ang iyong mga kailangan kung alam mo na kung saang aisle ka pupunta. Iwasan ang pagbababad sa grocery store dahil mae-engganyo ka lamang na bumili pa ng mga gamit na hindi naman kailangan.

ABANGAN ANG DISCOUNTS, PROMOS AT SALES

SALEMadalas ay nakalagay sa isang parte ng grocery store ang items na may mga promo. Ilan sa mga ito ay ang price discounts, buy 1 take 1, free items at kung ano-ano pa. Kung ang produktong madalas mong binibili ay naka-sale, samantalahin na ito. Maaari kang bumili ng maraming supply upang makamura ng malaki. Ngunit hindi lahat ng sale ay mainam kaya’t mag-ingat din. Madalas kasi, binibili natin ang gamit na hindi naman kailangan dahil lang sa ito ay bagsak presyo. Ang mangyayari tuloy, mapalalaki pa ang gastos mo.

Hindi nga naman natin mapipigilan ang patuloy na pagtaas ng bilihin sa panahon nga­yon, nguntit sa kabila nito, dapat manatili tayong wais na mamimili. Huwag laging pairalin ang emosyon sa pamimili dahil madadala lamang tayo nito sa tukso ng paggastos.

Kung akala natin, simpleng task lamang ang pamimili sa grocery ay nagkakamali tayo riyan. Marapat na­ting pag-isipan kung ano ang mga dapat bilhin at kung sasapat ba ang ating budget para rito. Ito ay mahalaga upang masulit natin ang worth ng ating pera at makuha ang full satisfaction mula sa mga produktong ating binibili. (photos mula sa google) RENALENE NERVAL

Comments are closed.