TIPID-TIPS SA MGA ESTUDYANTE NGAYONG HOLIDAY

BUDGET-1

(ni CS SALUD)

PANAHON na nga naman ng pagbibigayan ng regalo, pagmamahalan at pagpapatawaran. Ngayon pa lang, bawat isa sa atin ay aligaga na sa pag-iisip ng mga ipanreregalo sa katrabaho man o kapamilya. Bawat empleyado rin ay abalang-abala sa pag-iisip ng puwedeng bilhing regalo para sa kanilang kris kringle.

Bukod din sa pag-iisip ng ireregalo, isa pa sa inaalala lalo na ng mga estudyante ay ang budget sa pagbili ng kanilang ireregalo. Hindi naman kasi lahat ng estudyante ay mayroong sapat na halagang magagamit para sa exchange gift. At upang makatipid at maging kapaki-pakinabang ang mga ibibigay na regalo, narito ang ilang tips na puwedeng isaisip:

MAG-CREATE NG SAVING STRATEGY BAGO MAG-HOLIDAY

Isang beses nating pinagdiriwang ang Pasko. Kaya naman, para magkaroon ng budget sa mga bibilhing regalo, makabubuti ang pag-iipon bago sumapit ang holiday. Maghulog ng barya sa alkansiya. Kahit na pabarya-barya lang iyan, lalaki rin iyan kapag inipon.

MAGTAKDA NG REALISTIC BUDGET

Kapag marami tayong nakikitang magagandang panregalo, ang sarap-sarap bumili. Minsan nga ay wala na sa lugar ang ­ating binibili. Kumbaga, dahil nagustuhan ay binibili kaagad kahit na medyo may kama-halan ito o hindi naman gaanong mapakikinabangan.

Pagdating sa regalo, importanteng may nakalaan kang budget sa bawat regalong iyong bibilhin. Kung may nakalaan kang budget sa bawat regalo, hindi ka lalampas sa budget mo.

GUMAWA NG LISTAHAN

Huwag ding kaliligtaan ang paggawa ng listahan ng mga reregaluhan at kung ano-anong klaseng regalo ang bibilhin mo sa kanila. Sa pagbili rin ng regalo, isaalang-alang ang kapakinabangan ng mga ito.

Hindi porke’t maganda ang isang regalo ay bibilhin mo na. Importante pa ring isaalang-alang kung mapakikinabangan ba ang iyong ibibigay. Mas masarap din sa pakiramdam kung alam mong ginagamit o napakikinabangan ang iyong regalo.

MAGHANAP NG MURA AT MAGANDANG REGALO

REGALO-2Sa panahon ngayon, maraming sale o mura kang mabibili. Kaya naman, huwag tatamad-tamad na mag-ikot sa mall para makapili ng swak at murang regalo.

Mamili rin ng mas maaga nang makatipid. Kung last minute ka kasing magsa-shopping, puwedeng hindi gaanong maganda o lampas sa budget ang mabibili mo.

Mas mainam pa rin ang pamimili ng mas maaga nang makapamili ng mas mura at magaganda.

IWASAN ANG PAGGAMIT NG CREDIT CARD

May ilan din naman sa atin na may credit card kahit na estudyante pa lang. Kapag hindi cash ang ipinambayad natin at nag-swipe lang tayo ng card, kung minsan o madalas pa nga ay napasasarap ang pamimili natin. Minsan din ay hindi na natin napapansin na malaki na ang nagagastos natin.

Mas mabuting kasanayan natin ang paggamit ng cash sa pamimili kaysa sa credit card nang makatipid tayo. Pero kung walang cash at credit card ang mayroon, maging matalino sa paggamit nito. Ibig sabi-hin, mag-budget at pag-isipang mabuti ang mga bibilhin.

SUBUKAN ANG DIY GIFTS

REGALOSwak din namang subukan ang paggawa ng sariling gift. Sa panahon ngayon, napakaraming paraan upang makagawa tayo ng sariling regalo na bukod sa maganda ay kapaki-pakinabang pa.

Mas maa-appreciate rin ng iyong pagbibigyan ang regalo kung ikaw na mismo ang gumawa nito.

Maraming paraan din naman ang puwede nating subukan upang makagawa ng kakaibang gift na maiib-igan ng ating pagbibigyan.

Halimbawa na lang ay mahilig ka sa art, maaari mo itong magamit nang makabuo ng magandang gift.

Kung mahilig ka naman magluto, puwede kang mag-bake at iyon ang ipanregalo.

IWASAN ANG PAGBILI SA ONLINE O MAGING MAINGAT

Marami sa atin ang walang panahon, estudyante man o empleyado. Dahil nga sa kaabalahan ng marami sa atin ay naging patok ang pagbili sa online. Isang pindot mo nga lang naman ay makapipili ka na ng gusto mong bilhin. Pero madali nga lang ang bumili sa online, ang problema naman ay kung maganda ba ang quality o hindi manloloko ang iyong bibilhan.

Mas maganda pa rin kung nakikita at nahahawakan natin ang mga gamit o panregalong ating bibilhin.

SAVINGS-6Kung hindi naman maiwasan ang pagbili sa online, kilatisin ang seller gayundin ang produktong iniaalok nito.

Basahin din ang mga comment sa mga produktong ibinebenta nito nang malaman kung okay na bumili o lilipat sa ibang seller.

Maraming pa­raan kung paano tayo makatitipid sa pagbili o pagbibigay ng regalo ngayong Pasko.

Ang mga ibinahagi namin sa inyo ay ilan lamang sa mga swak subukan.

Hindi naman importante kung mahal o mura ang iyong bibil­hing regalo, ang importante ay magagamit ito at bukal sa loob ang pagbibigay. (photos mula sa smartparenting, wheninmellinial, executivechroni-cles, thebalance)

Comments are closed.