TIPS AND TRICKS SA MAHIHILIG KUMAIN SA LABAS

KAIN SA LABAS

MARAMI sa atin ang mahilig kumain sa labas. Mayroon namang magkakapamilya o magkakaibigan na kapag mayroong okasyon ay saka lamang kumakain sa restaurant o sa labas.

Kunsabagay, masa­rap nga naman ang pagkain sa restaurant o sa labas. Kung nagkatamaran nga naman sa pagluluto, puwede namang ma­ging option ang pagkain na lang sa labas nang hindi na magluto. Kung ayaw namang lumabas ng bahay, swak din ang magpa-deliver ng kinahihiligang pagkain.

Gayunpaman, mara­mi man sa atin ang kinahihiligan ang pagkain sa labas, dapat pa ring maging maingat ang bawat isa sa atin. Kumbaga, hindi porke’t gusto mo ang pagkain at masarap ay lalantakan mo na lang. Kailangan ding isaalang-alang ang kalusugan.

At dahil nga, marami sa atin ang mahilig kumain sa labas, narito ang ilang tips and tricks para sa healthy dining out:

MAGPLANO AT ISIPIN ANG RESTAURANT NA PUPUNTAHAN

Marami sa atin ang gustong kumain sa labas, pero kapag tinanong mo kung ano ang gusto nilang kainin at saan nila gustong kumain, walang maisagot. Basta gustong kumain sa labas.

Bago pa lang ang pagdedesisyong kumain sa labas, dapat ay nagpaplano na. Kumbaga, isipin na ang mga restaurant na maaaring puntahan. Gayundin kung ano-anong pagkain ang kanilang inihahanda.

Bawat restaurant ay may kanya-kanyang ipinagmamalaking putahe na maaaring isaalang-alang.

Puwede rin namang mag-research muna sa mga pagkaing inihahanda sa pupuntahang restaurant nang magkaroon na ng idea.

Sa pagpili rin ng pupuntahang restaurant, siguraduhing may mga healthy food silang inihahandog sa kostumer.

Maaari rin namang tawagan muna ang restaurant bago magtungo at tanungin kung ano-ano ang mga healthy food na maaari nin-yong pagpilian.

PAG-ISIPANG MABUTI ANG KAKAININ

Madalas, ang nagiging batayan natin sa pagpili ng kakainin ay ang hitsura nito sa menu. Kung masarap ang litrato, naeengganyo tayong iyon ang kainin.

Pero hindi dapat tayo nagpapatalo o nagpapadala sa hitsura ng pagkaing nakalagay sa menu. Isipin natin kung healthy ba ito o hindi.

Mainam din ang pag-order ng salad para sa entrée nang maging balance ang kakainin. Kontrolin din ang sarili sa pagkain.

Iwasan din ang pagkain ng mga fried o pritong pagkain. Para sa healthy option, makabubuti ang mga bake o broiled na pagkain.

Pagdating naman sa sawsawan o condiments, hinay-hinay lang din. Marami sa atin ang hindi nakakakain ng walang condi-ments. Pampasarap at pampagana nga naman ang sawsawan. Kapag may sawsawan ka rin o condiments, ginaganahan ka sa pagkain.

Sabihin mang pampagana ang mga sawsawan gaya ng toyo at patis, kailangan pa rin itong iwasan o bawasan para mapanatiling healthy ang pangangatawan ng kahit na sino.

Tandaan na lahat ng sobra ay nakasasama kaya’t dapat ay tama at balance ang ating kinakain, gayundin ang ­ating mga iniinom.

Kaya naman, kung mahilig ka sa sawsawan, hinay-hinay lang. Kung sakto na ang lasa ng pagkain, huwag nang maglagay pa ng condiments.

Iwasan din ang pagkain ng sobrang alat na pagkain.

NGUYAING MABUTI ANG KINAKAIN

Huwag ding magmamadali sa pagkain. Hindi naman iyan contest o pabilisan. Kumbaga, para madaling ma-digest at ma-absorb ng katawan ang nutrients na nagmumula sa kinain natin, nguyain itong mabuti.

May ilan sa atin na mabilis kumain. Kaunting nguya lang ay nilulunok na kaagad.

Sa pagkain ng mabilis ay lalo lamang napararami ang iyong kinukonsumong pagkain. Kaya naman, para hindi mapasobra ang pagkain, nguyaing mabuti ang kinakain.

Kadalasan din, ang mga mabibilis kumain o fast eater ay nasosobrahan sa pagkain o nagiging overeaters.

Samantalang ang mabagal namang kumain o slow eater ay nasa-satisfy sa kanilang kinakain kahit na kakaunti o tama lang ang kanilang kinain.

Tandaan ding gumugugol ng 20 minuto ang utak para makuha ang mensahe mula sa ating stomach na hindi na ito gutom o busog na.

Kaya kung mabilis kang kumain o hindi mo nginunguya ng mabuti ang kinakain mo, baguhin o iwasan mo na ang iyong nak-agawian. Importanteng nangunguyang mabuti ang pagkain bago ito lunukin.

Masarap naman talagang kumain sa labas o sa restaurant. Marami nga sa atin na kapag may nalamang bagong restaurant at may-roon itong kakaibang inihahandang pagkain o inumin, dinarayo kaagad ng marami sa atin.

Ngunit hindi lamang dapat na sikat ang isang restaurant kaya natin ito gustong puntahan o da­yuhin, dapat din nating isaalang-alang ang mga inihahanda nilang pagkain at inumin. CT SARIGUMBA

Comments are closed.