TIPS FOR A REAL-VACATION FEELING

VACATION

HINDI naman kailangang lumayo pa tayo upang makapag-relax. Dahil marami na rin namang lugar sa ngayon ang maaari nating puntahan upang makapahinga at maka-bonding ang pamilya. Gaya na lang ng pagtungo sa hotel para mag-staycation.

At sa mga nagpaplano ng staycation, narito ang ilang tips nang maging masaya at magkaroon ng real-vacation na pakiramdam:

MAGHANAP NG SWAK NA LUGAR

Kaliwa’t kanan ang lugar na maaari nating subukan o puntahan. Hindi na natin kailangang lumayo pa.

Sa pagpili ng swak na lugar, laging isaisip ang safety nito o ang inyong kaligtasan sa pupuntahan o titigilan. Huwag nating isaalang-alang ang kaligtasan ng pamilya.

Dapat ay nasa unang-unang listahan natin ang safety ng ating pamilya.

Bago mamili ng lugar, una ay mag-research muna at alamin kung safe ba ito. At ang ikalawa, magtanong-tanong sa mga kakilala at kaibigan kung anong swak na lugar o hotel ang puwedeng puntahan na safe. At ikatlo, ang kagandahan at pagiging komportable ng lugar na swak lang sa budget.

Hindi tayo puwedeng magpadalos-dalos sa pagdedesisyon lalo na kung gusto nating mag-staycation sa isang lugar. Maging mapili rin sa pupuntahan. At higit sa lahat, siguraduhing maganda ang kalidad ng kanilang serbisyo.

TAPUSIN ANG MGA KAILANGANG GAWIN BAGO MAG-STAYCATION

Para makapagsaya, mainam kung bago mag-staycation ay tatapusin na muna ang lahat ng kailangang gawin nang makapag-focus sa pagre-relax at pagba-bonding kasama ang pamilya.

PUMILI NG MAGANDANG THEME

May mga hotel o room na sa ngayon na may mga theme. Para rin mas mag-enjoy kayo ng iyong pamilya, maaari rin namang piliin mo ang theme na sa tingin mo ay magpapangiti sa mga mahal sa buhay.

MAGLAAN NG BUDGET

Mahalaga rin siyempre ang paglalaan ng budget sa gagawing staycation. Hindi naman din kailangang malaki ang ilalaan mong budget. Ang importante ay mayroon kayong sapat na salapi sa gagawing staycation.

KALIMUTAN MUNA ANG PROBLEMA

Panghuling tips ay kalimutan na muna ang problema. Hindi naman nawawala ang problema ng marami sa atin. Gayunpaman, nang ma-refresh ang kabuuan at gayundin ang isipan, kalimutan na munang panandali ang mga problema at mag-focus sa pakikipagsaya kasama ang mahal sa buhay.

Higit sa lahat, maglaan ng panahon sa sarili. CS SALUD

Comments are closed.