TIPS KONTRA-GUTOM

KONTRA-GUTOM

(Ni CT SARIGUMBA)

HINDI na bago sa ating mga Filipino ang hilig natin sa pagkain. Saan man tayo mapunta ay tiyak na naghahanap tayo ng mai-panlalaman sa ating sikmura. May mga tao pa namang maya’t mayang nagugutom. Katatapos lang ngumuya, naghahanap na naman ng pagkaing malalantakan.

Malaking problema ang palaging gutom kahit na katatapos mo lang kumain. Kaya’t kung hindi naiiwasan ang mapakain ng ma­rami, may simpleng tips na puwedeng subukan para masolusyunan ang inyong kinahaharap na problema. Narito ang i­lang tips:

IWASAN ANG STRESS

Isa nga naman sa dahilan ng overeating ang stress. Oo, maraming dahilan kung kaya’t nakadarama tayo ng stress. Gayunpaman, napakahalagang nagagawa na­ting iwasan ang stress.

Kapag sobrang stress ang isang taon, tumataas ang level nito ng cartisol, isang hormone na nagpapalakas ng appetite.

Subukan ang iba’t ibang paraan para maiwasan o mabawasan ang stress na dulot ng araw-araw na pakikipagsapalaran sa mundo. Ilan sa maaaring subukang paraan ay ang pagyo-yoga, pakikinig ng musika at paggawa ng mga bagay na gusto mo—pagbabasa ng libro, panonood ng nakatatawang palabas o ang pagta-travel.

GUMAMIT NG MAS MALIIT NA PLATO

Maaari mong madaya ang iyong utak upang isiping mas ma­rami na ang iyong nakain kung gagamit ka ng mas maliit na plato. Sa parehong dami ng pagkain ngunit mas maliit na pinggan ay maa-assess ng ating utak na mas marami na ang ating kinakain kumpara sa dati nating ginagamit na plato.

Ilan sa mga mananaliksik ay nagsasabing ang paggamit ng mas maliit na plato ang dahilan ng mas mababang appetite at mas mababang calorie con-sumption. Kaya, para hindi maparami ang pagkain,  mas maliit na plato na ang gamitin.

UMINOM NG TUBIG AT IWASAN ANG LIQUID CALORIES

Isa talaga sa problema ng marami ay ang pagkahilig sa liquid calories o cola at juice. Marami nga naman ang ayaw na ayaw ang lasa ng tubig at naghahanap ng mas masarap. At sa paghahanap ng masarap na inumin, kadalasang nakikita at kinahihiligan ng marami ang liquid calories gaya nga ng soda at mga juice.

Kapag nauuhaw o dehydrated ang katawan, napagkakamalan nating gutom ang nadaramang uhaw. Kaya tuloy napapakain tayo ng marami.

Iwasan ang dehydration nang hindi mapakain ng marami. At ang mabuting gawin, uminom ng tubig imbes na soda at mga juice.

NGUYAING MABUTI ANG PAGKAIN

Hindi nga naman pabilisan ang pagkain kaya’t hinay-hinay lang at nguyaing mabuti ang kinakain.

Para ma-enjoy ang pagkain at hindi mapakain ng sobrang dami, nguyaing mabuti ang kinakain.

MAG-TOOTHBRUSH

Mahalagang bahagi ng hygiene ang pagsisipilyo, ngunit alam ba ninyong makatutulong din ang pag-toothbrush upang makaiwas sa sobrang pagkain? Matapos magsipilyo ay nais na­ting mapanatili ang fresh feeling sa ating bibig kung kaya’t dalasan mo ang pagsisipilyo. Bukod sa mas maputi na ang ngipin mo, tiyak na hindi ka tataba.

KUMAIN NG ALMONDS

Kung palagi kang kumakain ng sitsirya, palitan mo na iyan ng almonds. Bukod sa nakatutulong ang almonds upang ma-boost ang vitamin E, naba-bawasan din ng almonds ang hunger level ng katawan at mapipigilan ang iyong over-eating. Isa pa, walang naidudulot na maganda sa atin ang sitsirya kaya nararapat lang na iwasan natin ang pagkain nito.  Dapat ay mga healthy food ang  kinakain natin para mapanatili nating malusog ang ating katawan.

HUWAG I-BAN ANG LAHAT NG PABORITONG PAGKAIN

Kung minsan, para lang hindi tayo mapakain ng marami at tumaba, iniiwasan natin ang mga paborito nating pagkain.

Hindi natin kaila­ngang i-deprive ang ating sarili. Kapag kasi ginawa natin ito, mas lalo lang tayong maeengganyong kumain ng marami.

Puwede naman na­ting kahiligan ang mga paborito nating pagkain gaya ng matatamis at maaalat pero siguruhing tama lang ang kinakain natin at paminsan-minsan lang din natin ito ginagawa.

Mainam din kung maghahanap ng ibang option o mas piliin ang healthy food para ma­ging healthy rin ang katawan.

Comments are closed.