KUMUSTA, ka-negosyo? Umarangkada na nang husto ang mga ngosyo, maliit man o malaki sa pagbaba sa Alert Level 1 ng gobyerno. Nahaharap pa rin tayo sa pandemya, natututo na ring mamuhay ang mga tao na kasama ang virus na COVID-19. Pero dahil may banta pa rin, tuloy pa rin ang pagsusuot ng face mask at ang pagtalima sa mga basic health protocols gaya ng social distancing sa iba’t ibang establisimiyento.
At dahil na rin tumataas na ring muli ang kakumpitensiya sa pagnenegosyo, marapat lang na talakayin natin ang isa sa mahalagang aspeto ng pagnenegosyo na tinatawag naMARKETING.
Sa panahon ngayon na medyo lumuluwag na ang pagnenegosyo dahil sa Alert Level 1 natin, lalong naging mahalaga ang paggamit ng marketing dahil naging dalawa na talaga ang klase ng merkado – online at offline (o face-to- face)
Walang magic, unibersal na diskarte na magpapabago o mag-aangat sa iyong negosyo. Wala akong literal na ideya kung ano ang gagana para sa iyo, dahil hindi kita kilala. Hindi ko alam ang iyong negosyo. Hindi ko kilala ang iyong mga kostumer.
Ngunit sa kabutihang palad, alam mo ang iyong negosyo! Alam mo ang iyong kostumer! ‘Yan ngayon ang magiging basehan ng ating diskusyon sa pitak na ito.
Magsimula na tayo. Tara na at matuto!
#1 Pagsasagawa ng Content Marketing
Ang content marketing ay ang proseso ng paglikha at pamamahagi ng mahalaga, nauugnay, at pare-parehong nilalaman (o content) upang maakit at mapanatili ang paghihimok sa kostumer na bumili.
Hindi tulad ng bayad na advertising, ang content marketing ay higit na nakatuon sa mga pangmatagalang resulta. Ang paunangkabayaran ay malamang na mababa, ngunit ang pangmatagalan, napapanatiling paglago ng mga bisita sa website, mga leads, at mga kostumer ay maaaring mag-isang magdala ng isang negosyo.
Malawak ang sakop ng content marketing, ngunit makikita mo ito sa lahat ng aspeto ng digital marketing gaya ng social media, blogging, video, SEO, at maging ang nilalaman ng iyong website.
Basta nakakapaglabas ka ng impormasyon na babalik-balikan ng mga kostumer mo, naroon ang pagsasagawa ng content marketing.
#2 Pagsabak sa Social Media Marketing
Siyempre nabanggit ko na ang aspetong ito sa pagdaan natin sa content marketing. Kasi nga naman ang pagsasagawa ng mgacaption at graphics sa iyong mga post ay may kinalaman sa istratehiya ng content marketing.
Ang paggamit ng social media para sa negosyo ay talagang isang non-negotiable. Kasi, 67% ng mga mamimili ang gumagamit ng social media para sa suporta sa kostumer, at 33% ang mas gustong gumamit ng social media sa halip na ang telepono. Kung hindi mahanap ng mga tao ang iyong negosyo sa pamamagitan ng social media, hahanapin nila ang iyong mgakakumpitensiya na naroroon sa mga gustong social channel.Ganoon kasimple, ‘di ba?
Ang tunay na tanong ay hindi kung dapat kang magkaroon ng mga aktibong social media account. Ito ay kung gaano karaming oras i-invest sa pagpapalaki ng iyong mga tagasunod, o posibleng kostumer.
Para sa ilang negosyo, makatuwirang mamuhunan nang malaki sa paglago ng tinatawag na organic na social media.
Halimbawa, ang mga gumagamit ng Instagram na sumusunod sa mga influencer ng fashion ay aktibong naghahanap upang bumili ng mga bagong istilo. Sa pamamagitan ng pagbuo ng isang aktibo, mahilig sa fashion na target na kostumer, ang isang retailer ng damit ay maaaring bumuo ng isang pare-parehong direktang channel ng pagbebenta – sa Instagram o Facebook.
Ang susi ay ang pagtukoy kung nasaan ang iyong mga kostumer at kung paano nila gustong lapitan ng iyong brand. Kung ang social media ang sagot sa parehong mga tanong na iyon, ito ang perpektong channel para sa iyong negosyo. Bukod dito, kadalasang libre lang ang channel na gagamitin mo, at babayaran lang ang mga influencer o tagagawa ng mga posts at caption.
#3 Pagbabalik sa Email Marketing
Ang pag-market sa email ay ang pundasyon ng digital marketing. Kung akala mo wala nang gumagamit ng email, mali ka.
Karamihan sa mga taong bumibisita sa iyong site ay hindi kaagad bibili mula sa iyo. Ang pagkuha ng impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa karagdagang marketing at tinaguriang “lead nurturing” ay ang pinakamahusay na paraan para makapagbenta hanggang sa ngayon, at ang email ay nananatiling pinakamataas na nagko-convert na marketing channel para sa pakikipag-ugnayan sa mga lead.
Ang mga email marketing funnel ay nagsisimula sa isang “lead magnet”. Ito ay isang bagay na nakahihimok na iniaalok mo sa iyong mga bisita sa website bilang kapalit ng kanilang email address. Kabilang sa mga posibleng opsyon ang isang libreng digital download, isang libreng pagsubok sa serbisyo, isang “upuan” sa isang webinar, membership sa site, isang kupon, atbp.
Ang mahalaga ay mapadadalhan mo sila ng mga offerings o ibinebenta sa pamamagitan ng email.
#4 Paggamit ng Direct Messaging
Ang paggamit ng social media ay ‘di natatapos sa pagpo-post ng mga kung ano-ano sa Facebook, Instagram, Twitter atbp. Parteng social media ang mga Viber, Whatsapp, at Messenger. Ang mga channel na ito ay direktang makapagpapadala ng mensahe man o offerings sa mga makakakuha nito.
Kaya mahalagang makabuo ng komunidad na direktang makakapag-ugnayan mo, gamit ang channels na ito. Nagsisimula ito sa mga inquiry at direct message (pm) nila. Mula roon, makabubuo ka na ng mga GC (group chats) at ito ay isang uri na rin ng komunidad na direktang kausap ang mga kostumer.
#5 Pagsabak sa mga Live Selling
Salamat muli sa social media na nagamit bilang e-commerce. Noong kasagsagan kasi ng mga lockdown, nauso ang Live Selling ng lahat na yata ng bagay gaya ng mga halaman, damit, gadyet at pati mga bag.
Pati nga ang mga malalaking Shopee at Lazada ay sumabak na rin dito. Hindi man ito para sa lahat, tingnang mabuti ang klase ng kostumer na baka naman gustong sumali sa mga ganito.
Ang Online Live Selling kasi ay nakakaaliw. May kasamang entertainment value ito at may mga pa-contest pa. Ang pag-share ng Live Selling link ay may premyo rin na produkto o pera. Kaya lalong lumalawak ang merkado.
Magsaliksik ka ukol dito at tiyak na may mga madidiskubrekang oportunidad.
#6 Pagkakaroon ng sariling Website
Ilang beses ko nang nasabi ito. Ang website mo ang katangi-tanging bagay na magiging pag-aari mo sa mundo ng digital. ‘Di mo kasi maaangkin ang mga social media channels. Puwede kang alisin kahit kailan nila gusto. Pero ang website mo ay pangmatagalan.
Kaya naman pagtuunan mo ito ng pansin. Nitong mga nakaraang araw, ilang presentatsyon ang ginawa ko sa mga naismagpagawa ng website. Ngayon siguro, naiisip nila na ‘di ka lalago sa digital marketing kung wala kang sarili mong website.
Kung kailangan mo ito sa negosyo mo, o nais mong baguhin kung ano’ng mayroon ka na ngayon, email mo lang ako.OK?
Konklusyon
Maraming dapat gawin kung nais mong umarangkada ang maliit mong negosyo sa panahong ito. Kung nalilito ka kung saan magsisimula, isipin mo lang kung nasaan nga ba naglalagi ang mga kostumer mo?
Sa lahat ng bagay, magdasal at manalig na gagabayan ka ng Diyos sa mga desisyon mo.
Kapag may tanong, puwedeng kontakin si Homer sa [email protected].