TIPS NGAYONG MAY KRISIS SA TUBIG | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
atty rojas

TIPS NGAYONG MAY KRISIS SA TUBIG

KASALUKUYANG nakararanas ng kakulangan sa tubig ang ilang lugar sa Metro Manila. Maaaring ma­katipid sa mga naigib na tubig sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamamaraan.

Maaaring guma­mit ng paper plates upang mabawasan ang mga hugasin. Kung mayroong ilang dapat hugasan, ibabad ang mga ito sa palangganang may tubig upang madaling linisin. Ang pinaghugasan ay maaaring gamitin sa pagdidilig ng halaman o pambuhos sa comfort room.

Upang mabawasan ang mga kailangang labhan, maaaring gu­mamit ng toilet paper o tissue imbes na basahan. Maaari ring gami­ting muli ang mga damit na malinis pa, o dalhin ang mga maruruming damit sa laundry shop upang hindi na kailangang gumamit ng washing machine sa bahay.

Kung kaya ng bad­yet, maaaring maiwasan ang paggamit ng tubig sa pagluluto at paghugas ng mga kaldero at sandok kung kakain na lamang sa lab-as, bibili ng lutong ulam at kanin o magpapa-deliver ng pagkain. Kung kaila­ngan namang magluto sa bahay, piliin ang mga pagkaing hindi masebo o mamantika upang madaling hugasan ang mga kagamitan sa pagluluto.

Maaari ring makapaligo nang hindi gu­magamit ng maraming tubig. Gumamit lamang ng kaunting tubig sa pagsasabon at gamitin ang natitirang tubig upang magbanlaw.

Makatitipid din sa tubig tuwing maglilinis ng kamay kung gagamit muna ng sanitizer o alcohol.

Sa paglilinis naman, maaaring walis na lamang muna ang gamitin imbes na gumamit ng mop habang hindi pa normal ang daloy ng tubig. Para sa mga kailangang punasan, gumamit ng paper towels o tissue na binasa nang bahagya.

Ilan lamang ito sa mga maaari nating gawin upang makalagpas sa krisis sa tubig na ating nararanasan sa ngayon. Kahit na maayos na ang suplay ng tubig sa atin, ugaliin pa rin sana nating palaging magtipid ng tubig.

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS