(ni CYRILL QUILO)
MATAPOS ang mahabang bakasyon, heto na naman ang marami sa atin—kapamilya, kapuso, kapatid, kaibig-an— back to reality tayo. Tapos na ang holiday season at balik na naman tayo sa pagtatrabaho.
Marami rin sa atin ang umuwi ng probinsiya nitong nakaraang holiday. Bagama’t kabi-kabila ang mga ginagawang kalsada, hindi natin maiiwasan ang matinding traffic. Sabagay, kahit na saan o anong panahon ay hindi na nga naman maiiwasan ang traffic. Ilang oras din ang ginugugol ng marami sa atin sa kalsada bago makarating sa kani-kanilang trabaho. Bukod sa init at matinding traffic, nariyan na rin ang nararanasan ng iba sa atin na biyahilo o motion sickness.
Ang motion sickness ay hindi talaga maituturing na totoong sakit dahil normal response ito ng katawan natin sa motion. Kapag nakadama ng motion sickness ang ating mata, inner ears, balat, muscles, at joints ay nagkakaroon ng conflict na nagsasabi sa ating utak.
Ang utak ay nalilito, kaya nakadarama tayo ng pagpapawis at feeling natin ay masusuka tayo. Ang pag-atake nito ay parang nakapanood ka ng mov-ie sa isang malaking screen na hindi ka naman gumagalaw. Bihirang nakararanas ang mga batang nasa edad 2 pababa. At ang edad 3 hanggang12 na-man ay unti-unting nakararanas. Mas marami ang nakararanas na babae kaysa sa lalaki. Isa sa bawat pito katao ang nakararanas ng motion sickness lalo na sa mga malapit nang reglahin at mga buntis.
MGA SINTOMAS
Maraming sintomas ang motion sickness gaya na lang ng mga sumusunod:
– Hindi komportable ang pakiramdam
– Parang pagod na pagod
– Nanghihina at namumutla
– Pinapawisan ang paligid ng bibig at pagdami ng laway sa bibig
– Nade-depress at nagpa-panic o nalilito
– Pagsusuka
– Kabag
– Kinakapos ng paghinga
– Inaantok
– Masakit ang ulo at nahihilo
MGA DAPAT GAWIN
– Siguraduhinh makalalanghap ng sariwang hangin. Kung nasa sasaskyan Buksan ang mga bintana ng sasakyan. Kung nasa barko naman, umakyat sa deck at kung nasa eroplano ay buksan ang air vent.
– Bawasan ang motion ng sasakayan tulad ng pagpreno. Dahan-dahan lang sa apak ng preno.
– Bawasan ang mga ginagawa sa loob ng sasakyan.
– Huwag masyadong kumain bago bumiyahe. Kumain kaunti lang pero madalas.
– Iwasan ang alcohol at manigarilyo.
PAANO MAIIWASAN?
– Maraming puwedeng gawin upang maiwasang mahilo sa biyahe. Una na riyan ay ang pag-inom ng gamot isang oras bago bumiyahe. Pero kung magmamaneho, iwasan ang pag-inom ng gamot dahil ito ay nakaaantok.
– Para mabawasan ang motion sickness, umupo sa gitna ng barko o eroplano. Kung sa sasakyan naman ay sa harapan umupo.
– Iwasang igalaw nang igalaw ang ulo o katawan.
– Tumingin lang ng deretso sa labas o sa mga bagay ng hindi masyadong gumagalaw.
– Iwasan ang pagtingin sa mga gumagalaw na bagay.
– Iwasan ang pagbabasa habang nasa biyahe.
Ilan lamang ito sa tips upang hindi atakihin ng motion sickness kung sakaling muling bibiyahe. Upang maging maayos at maganda ang inyong paglalakbay, ihanda hindi lamang ang sarili kundi maging ang isipan. (photos mula sa the-healthy.com, theconversation.com at kingmanyachtcenter)
Comments are closed.