TIPS PARA MAKA-SURVIVE ANG BAWAT ESTUDYANTE

ESTUDYANTE

NAPAKAHIRAP mapanatili ang healthy lifestyle lalo na sa isang estudyante. Sa rami nga naman ng pinagkakaa-balahan, nawawala na sa kanilang isipan ang pagiging healthy o ang pagiging maingat sa kinakain at ginagawa.

Kunsabagay, sa rami nga naman ng obligasyon o kailangang gawin ng isang mag-aaral, sadyang hindi na nito mapagtutuunan pa ng pansin ang healthy lifestyle. Puro pag-aaral nga naman ang nasa isip nito. Kadalasan tuloy ay hindi sila nakakakain ng tama. Hin-di nakapagpapahinga ng maayos. Kung minsan din, halos sinasagad na nila ang kanilang mga sarili na nagiging dahilan kaya’t nagkakasakit sila.

Gayunpaman, ang healthy lifestyle ay napakahalaga para sa kinabukasan ng bawat estudyante. Kasi kung hindi mo pagtutuunan ang iyong sarili, hindi ka makasu-survive sa eskuwelahan. Hindi ka mananalo sa laban. Kumbaga, para maka-survive at maging successful, kailangang isaalang-alang na-tin ang healthy lifestyle.

At para ma-maintain ang healthy lifestyle ng bawat estudyante at maka-survive sa eskuwelahan, narito ang ilang tips na maaari nilang gawin:

KUMAIN NG TAMA AT MAGPAHINGA NG SAPAT

Maraming estudyante ang halos hindi natutulog lalo na kapag may exam kinabukasan. Talagang nag-pupuyat sa kaaaral. Naglal-amay kumbaga. Lahat naman kasi ay nagnanais na magkaroon ng mataas na marka. Nagnanais na makapasa. Nag-aasam na maabot ang mga pangarap.

Gayunpaman, ang pagpupuyat ay hindi minam sa katawan kaya nararapat lamang itong iwasan. Maka-bubuti kung matutulog ng maaga at gigising din ng maaga para makapag-aral. Mas malinaw ang utak kapag nakapagpapahinga. Kaya imbes na sa gabi o mag-puyat sa kaaaral, subukan ang pag-aaral ng leksiyon sa umaga.

Okey lang namang ma-late o mapuyat sa paggawa ng assignment o sa pag-aaral paminsan-minsan pero huwag itong dadalasan dahil hindi na ito maganda sa kalusugan. Kumbaga, hindi magandang ideya ang pagpupuyat. Nakatataas ito ng stress level. Hindi mo rin mailalabas ang lahat ng galing na mayroon ka kung puyat ka.

Importante rin siyempre ang pagkain ng tama. Hindi porke’t marami kayong ginagawa ay kaliligtaan na ninyo ang pagkain ng masusustansiyang pagkain at kung ano na lang ang makitang pagkain ay iyon lang ang lalantakan.

Sa kabila ng kaabalahan, kailangang maging maingat pa rin tayo sa ating kinakain. Sa umaga rin bago umalis ng bahay at mag-tungo sa eskuwela, siguraduhing nalamnan ang tiyan. Napakaimportante ang agahan para maging malakas at maliksi sa buong araw.

GAWAN NG PARAAN PARA MA-MANAGE ANG STRESS LEVEL

Sadyang hindi nawawala ang stress sa buhay ng tao. Laging nariyan iyan. Nakabuntot sa kahit na sino sa atin. Hindi lamang na-man mga estudyante ang nakararanas nito kundi maging ang mga empleyado. Maging ang walang trabaho nga ay nakadarama nito.

Ang mabuting gawin ng marami sa atin, lalo na ng mga estudyante ay matutong i-manage ng maayos ang nadaramang stress. Marami ang napaririwara dahil sa nadaramang stress, kung minsan ay kung ano-ano na ang naiisip. Para maiwasang mapahamak, pagtuunan ng pansin kung ano-ano iyong mga bagay na nakapagpapa-stress at kung paano ito iha-handle.

Mag-isip din ng mga paraan o gawaing makatutulong upang maibsan ang nadaramang stress.

Isa rin sa magandang paraan para ma-manage ang stress ay ang pagkakaroon ng study session at magkaroon ng study breaks sa pagitan ng bawat session.

Hindi puwedeng tuloy-tuloy ang gagawing pag-aaral ng leksiyon sabihin mang may exam kayo kin-abukasan. Dapat ding maglaan ng panahong makapagpahinga para ma-refresh at ma-relax ang utak. Kapag nag-aral kasi ng pagod, minsan ay madaling na-kalilimutan ang pinag-aralan.

MAKIPAG-USAP SA MGA KAPWA ESTUDYANTE

Mainam o makatutulong din kung makikipag-usap ka sa mga kagaya mong estudyante. Sa pama-magitan ng pakikipag-usap o pakikipagkuwentuhan ay malalaman natin kung ano-ano ang mga na-darama nila habang nag-aaral, ano iyong mga nagpapahirap sa kanila at kung paano nila ito nalalampa-san. Maaari rin nating gawin ang ginagawa nila para malampasan ang stress na dulot ng pag-aaral. Puwede rin namang ibahagi natin sa kanila ang mga ginagawa o nararanasan natin.

Maganda rin ang pagkakaroon ng kaibigan para maibsan ang lungkot o problemang kinahaharap ng bawat estudyante. Malaki rtin ang maitutulong ng pakikipag-usap para gumaan ang bigat na nadara-ma o ang stress na dulot ng pag-aaral at ng buhay.

MAGKAROON NG BUHAY BUKOD SA PAG-AARAL

Hindi rin naman puwedeng puro pag-aaral na lang ang aatupagin natin. Oo nga’t kailangan nating gal-ingan para maabot ang ating mga pangarap. Pero hindi ibig sabihin nu’n, tatalikdan mo na ang buhay sa labas. Kailangang matuto ka pa ring makihalubilo sa tao. Dapat ay nagagawa mo pa ring mag-relax. Dapat ay mayroon ka pa ring buhay labas sa iyong pag-aaral.

Oo, kailangang mag-aral pero hindi rin naman nangangahulugang pag-aaral na lang ang magiging buhay mo. Matuto kang bumalanse.

Sa buhay, kailangang balanse ang mga bagay-bagay. Hindi puwedeng mas mabigat ang isa at mas magaan naman ang isa. Kailangang magkasing bigat o magkasing gaan nang hindi ka gaanong mahira-pan.

Importante rin naman ang pag-e-enjoy sa buhay. Hindi naman dahil estudyante pa tayo ay magiging subsob o bawat kibot ay pag-aaral o tungkol sa eskuwelahan na lang ang nakatatak sa ating isipan.

Kailangan ding mag-enjoy tayo. May mga panahon dapat na subsob tayo sa pag-aaral at may mga pagkakataon ding nagpapahinga lang tayo para makabawi ng lakas. Gumawa ng mga bagay na maka-pagpapasaya sa atin. Kung masyado na kasi nating didibdibin ang buhay, tayo lamang din ang talo, tayo lamang din ang mahihirapan.

Maraming tips ang maaaring ibigay o ibahagi ng kahit na sino para maka-survive sa pag-aaral ang bawat estudyante at mapanatili nito ang healthy lifestyle. Gayunpaman, nasa bawat estudyante ang paraan para malampasan ang problema o stress na kanilang ki-nahaharap. Sila lamang din ang nakaaalam kung paano makasu-survive sa pag-aaral man o sa dagok ng buhay. Kung pursigido anuman ang kaharapin nila ay tiyak na kanilang malalampasan. (photos mula sa google)