TIPS PARA MAKAMIT ANG IYONG #TRAVELGOALS

TRAVEL GOAL

May #travelgoals ka ba pero walang budget? Patok sa mga kabataan ngayon ang pagpunta sa iba’t ibang lugar ang pag-akyat sa mga bundok. Ang mga gawaing ito nga naman ay nakatutuwa at nakare-relax. Mapalad tayo dahil ang Filipinas sa kasalukuyan ay may tinatayang 7,641 na isla. Hindi mauubusan ng mga lugar na dadayuhin ang mga gustong ikutin ang magagandang lugar sa ating bansa.

Hindi natin maitatanggi na ang pagpunta sa iba’t ibang lugar ay nangangailangan ng katumbas na halaga para sa pamasahe, pagkain, entrance fee at kung ano-ano pa.

Magastos ang gawaing ito lalo na kung ikaw sa kasalukuyan ay isa pa lamang estudyante o isang empleyado na hindi kalakihan ang suweldo.

Maraming budget-friendly at malalapit na pasyalan dito sa Metro Manila na maaaring subukan. Kaya kung nagsisimula ka pa lang sa iyong travel goals, maaaring unahin muna ang mga lugar na malapit sa Metro na hindi naman nangangailangan ng masyadong mala­king budget.

Ngunit sa panahon ngayon na nagtataasan ang bilihin, paano mo kaya matutupad ang iyong #travelgoals?

Isang simple at epektibong paraan ay ang tamang pagba-budget at pag-iipon kung gusto mong ituloy ang iyong #travelgoals. Hindi ito kasing simple o kasing dali lang ng pag-iimpok ng pabarya-barya sa iyong alkansiya.

Tulad ng pagpapayat, nangangailangan ito ng disiplina at tiyaga para makamit ang iyong ina-asam na travel goals.

Narito ang ilang tips sa pag-iimpok para sa iyong pangarap na travel:

ALAMIN AT PLANUHIN ANG IYONG TRAVEL

Mag-research tungkol sa pupuntahan, alamin kung magkano ang iyong magagastos; pamasahe, pagkain, entrance fee, souvenirs etc. Mabuting magplano at alamin ang mga bagay na ito upang mai-project kung magkano ang gagastusin.

MAGING RESPONSABLE SA PAGGASTOS

TRAVEL-GASTOSMabuting suriin at pagkomparahin iyong wants (mga gusto) at ang iyong needs (mga kaila­ngan). Sa ganitong paraan ay malalaman mo kung ano ang dapat mong unahin at kung ano ang dapat mong bawasan upang makatipid at makapag-ipon.

ILISTA ANG IYONG MGA NAGAGASTOS

Matutukoy mo sa paraang ito kung ano ang mga bagay na napaglalaanan mo ng mala­king porsiyento ng iyong pera. Suriin ang iyong gastos, malaking porsiyento nito ay maaaring napupunta sa fast food, mamahaling inumin tulad ng kape, o alak. Idagdag mo pa ang pagbili ng mga damit, subscriptions sa iba’t ibang online app at iba pang luho. Guilty? Ito ang karaniwang umuubos sa budget ng karaniwang millennial.

SUNDIN ANG SALARY-SAVINGS=EXPENSES NA PORMULA

Kahit saan galing ang iyong pera; allowance man ‘yan na galing sa magulang o suweldong pinaghirapan sa trabaho. Isang mahusay na paraan na sundin ang pormulang ito upang makaipon. Laging unahing itago ang savings upang buong-buo mo itong maihihiwalay.

MAG-SET NG GOAL

Magkano ang itatago mo sa isang araw, sa isang linggo, sa isang buwan. Kaakibat nito ay ang disiplina sa pagba-budget ng pang-araw-araw na pa­ngangailangan. Maaaring magsimula sa 10% pataas nang pataas hanggang sa kung ano ang kaya mong ipunin.

tavel-savingsMAGBUKAS NG TIME DEPOSIT ACCOUNT SA BANGKO

Hindi na maitutu­ring na epektibong pa­raan ang pag-aalkansiya dahil kahit anong oras ay maaari mo itong makuha at masira ang iyong pag-iipon.

Ang time deposit ay isang uri ng bank account na may espisipikong panahon kung kailan mo lang ito itatago sa bangko.

Makatutulong ito sa mas epektibong pag-iimpok.

Hindi ito magiging madali ngunit siguradong sulit ang bunga ng iyong paghihirap at tiyak na matutupad ang iyong #travelgoals.

Patatagalin mo pa ba ang iyong travel goals? (photos mula sa google) MARY ROSE AGAPITO

Comments are closed.