TIPS PARA MAKATIPID SA GASTUSIN ANG BAWAT ESTUDYANTE

ESTUDYANTE-TIPID-1

HINDI nga naman madali ang paghaha­nap ng pera. Sa panahon ngayon na sobra at patuloy ang pagtaas ng mga bilihin, talaga nga namang agad-agad na mabubutas ang iyong bulsa. Kung minsan nga, kahit na kakasuweldo lang ay nahihirapan na ang ilan kung paano pagkakasyahin ang kinikita.

Mahirap nga namang mapagkasya ang suweldo lalo na ngayong panay ang pagtaas ng mga bilihin ngunit ang kinikita naman ng mga kawawang manggagawa ay hindi nagbabago o tumataas. Kumbaga, kulang na kulang sa gastusin pa lang sa araw-araw. Kung kulang na nga ang kita o suweldo, paano na ang ilang mga pangangailangan gaya ng ipon, pag-aaral at pampaospital sakaling magkasakit.

Mahirap. Kumbaga, sa panahon ngayon ay mas lalong naghihirap ang mga mahihirap.

Dahil nahihirapan ang marami sa atin, narito ang ilang tips na makatutulong sa mga estudyante para makatipid kahit na kaunti:

MAGBAON KAYSA SA ANG BUMILI SA LABAS

ESTUDYANTE-TIPID-4Maraming estud­yante na mas pinipili ang magdala ng pera. Importante nga naman ang pera.

Ngunit kung ang pag-uusapan ay baon sa tanghalian o merienda, mas mainam kung magdadala na lang ng lutong bahay kaysa sa ang bumili sa labas. Sa ganitong paraan ay hindi ka lamang makatiti­pid kundi masisiguro mo pang malinis at masustansiya ang pagkaing iyong kakainin.

Mas mainam din kung may gulay ang ipakakain sa mga ito para may resistensiya sa katawan. Umiwas naman sa mga processed food dahil hindi ito maganda sa katawan kahit pa sabihing nakatipid kayo.

SA MGA ESTUDYANTENG NANGUNGUPAHAN

May mga estud­yante na para nga naman hindi mahirapan sa pagbiyahe, mas pinipili ang mangupahan o mag­renta ng kuwartong malapit sa pinapasukang paaralan. Kung tutuusin, maganda nga naman ito dahil kung malapit lang ang iyong tinutuluyang kuwarto sa eskuwelahang pinapasukan mo, hindi ka mai-stress sa biyahe. Hindi ka rin mapipi­litang gumising ng sobrang aga para lang hindi mahuli sa eskuwelahan.

Ngunit bago magpasiyang magrenta o mangupahan, tingnan muna kung mas makatitipid ka. Baka naman kasi hindi naman ka­layuan ang iyong tinitirhan.

At kung mas convenient sa iyo ang mangu­pahan at ito talaga ang gusto, para naman makatipid, siguraduhing kapag aalis ng dorm ay nakatanggal ang pagkakasaksak ng mga gamit o gadget para makaiwas sa short circuit at pagkasunog.

MATUTONG MAG-RECYCLE

Isa rin sa dapat na matutunan ng isang estudyante upang makatipid ay ang mag-recycle. Kung mayroon namang mapakikinabangan pang gamit, mas mabuting gamitin muli ang mga ito upang hindi na bumili pa.

May mga simpleng paraan ng pagre-recycle. Una halimbawa ay ang pagre-recycle ng notebook.

Sabihin mang ni-recycle mo ito, mas mapagaganda naman ito sa pamamagitan ng paglalagay ng design. Kaya’t magmumukha pa rin itong bago.

Maaari rin ang paggamit ng improvised school materials kapag may presentation sa klase.

MAGHANAP NG DISKUWENTO

ESTUDYANTE-TIPID-3Isa rin sa mainam gawin ay ang paghahanap o pag-aabang ng sales o discount. May mga tindahan o shop na nagbibigay ng discounts. I-grab ang mga ito nang makatipid. Maaari ring gamitin ang 20 porsiyentong discount sa transportasyon para makatipid ang estud­yante.

MANGHIRAM O BUMILI NG SECOND HAND NA MGA LIBRO

Maaari rin naman ang panghihiram ng mga kailangang libro lalo na kung may kaki­lala ka at hindi na ito ginagamit. Puwede rin naman ang mag-rent. O kung wala kang kaki­lala na magpapahiram o marerentahan, swak din ang pagbili ng second hand books. Mas mura ang presyo nito kumpara sa mga brand new. Piliin lang din ang maaayos pa na libro nang hindi mahirapan.

MAGTABI NG EMERGENCY MONEY

ESTUDYANTE-TIPID-2Kung may mga bagay ka na gustong bilhin at sa tingin mo ay importante naman ito sa iyong pag-aaral gaya ng bag, sapatos, at iba pa, maaari kang magtabi ng garapon na kung saan nakalagay ang mga naipon mong pera mula sa iyong baon. Gaya rin ito ng pag-iimpok sa bangko o pagbubukas ng savings account kung sakaling may extra ka sa baon mo. Sa ganitong paraan hindi mo na kailangan pang humingi ng pera sa iyong mga magulang sapagkat may naitatabi ka namang salapi para sa iyong sarili.

Mahalagang matutunan ng bawat isa ang pagtitipid. sa panahon ngayon na lahat ay nagtataas, talagang kaila­ngan nating matutunan ang pagtitipid. May mga simple namang paraan at gaya nga ng nakalista sa itaas, matutulungan mo hindi lamang ang iyong sarili kundi ang iyong magulang.

Kaya’t ugaliing mag­tipid. Simulan na. CT SARIGUMBA

 

 

Comments are closed.