Ni CT SARIGUMBA
MADALAS nating sinasabi na ang kagandahan ay hindi nakikita sa panlabas na anyo kundi sa kung ano ang nasa loob mo, kung ano ang ugaling mayroon ka. Pero minsan, kahit na paulit-ulit natin iyong sinasabi, may mga pagkakataon pa ring feeling natin, hindi tayo ma-ganda. Na kapag tumingin tayo sa salamin, may nakikita tayong kapintas-pintas sa ating sarili.
Kung hahanapan mo nga naman ng kapintasan ang isang tao o maging ang sarili mo, talagang may makikita ka. Wala namang perpekto sa mundo, gayunpaman, may tips para magkaroon ka ng healthy body image at ito ay ang mga sumusunod:
BAGUHIN ANG PAG-IISIP AT IWASANG MAINGGIT
Kung inggit at inggit lang din ang pag-uusapan, paniguradong marami tayong kaiinggitan. Ngunit isa sa paraan upang mapanatili natin ang healthy body image ay ang iwasan ang inggit. At para maiwasan natin ang inggit, baguhin natin ang pag-iisip.
MAGTIWALA SA SARILI
Importante rin ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili para mapanatili ang healthy body image. Ano’t ano pa man, mainam kung magtitiwala tayo sa ating sariling kakayahan.
Dahil kung tayo mismo ay walang tiwala sa ating sariling kakayahan, mahihirapan din tayong makahanap ng magtitiwala sa atin.
MAG-EHERSISYO
Mahalaga rin ang pag-eehersisyo sa araw-araw nang mapanatili ang healthy body image. Kahit na 30 minutes lang sa araw-araw ang gagawing pag-eehersisyo ay okey o swak na.
Sa pamamagitan din ng pag-eehersisyo ng kahit na 30 minutes sa araw-araw ay makatutulong upang mabawasan ang stress, na-pagaganda rin nito ang iyong pakiramdam at maayos na pahinga.
MAGING POSITIBO
Marami talagang puwedeng ipintas sa atin pero hindi makatutulong para magkaroon ka ng healthier body image ang pagpansin sa mga hindi kanais-nais na mga bagay.
Kaya, iwasan ang pag-iisip ng masasama. Kahit na ano pang tingin mo sa sarili mo, kahit na ano pa ang pinagdaraanan mo, mag-ing positibo ka lang palagi. Sumasalamin iyan sa panlabas mong anyo.
PAHALAGAHAN ANG SARILI
Isa pa sa nararapat mong gawin ay ang pagbibigay halaga sa iyong sarili. Ilista o alamin mo ang mga bagay na maganda sa iyo o sa kabuuan mo at doon ka mag-focus.
Bigyan mo ng importansiya ang magagandang bahagi ng iyong katawan at huwag ang mga ayaw mo.
Alagaan mo rin ang sarili mo. Mag-exercise ka at magpahinga. Kung sapat ang pahinga mo at nakapag-eehersisyo ka, mas magkakaroon ka ng tiwala sa iyong sarili.
GUMAWA NG LISTAHAN NG MGA GUSTO SA SARILI
Mainam din ang paggawa ng listahan ng mga bagay na gusto mo sa iyong sarili. Halimbawa ay ang ugali, talento at kung ano-ano pa.
Samantalang ang mga bagay naman na hindi mo gusto sa iyong sarili ay puwede mo ring ilista nang ma-improve mo pa.
ISIPIN ANG MGA NAGMAMAHAL SA IYO
Kung nagising ka isang araw na pangit na pangit ka sa sarili mo, isipin mo lang ang mga taong nagmamahal sa iyo at tiyak ga-ganda ang tingin mo sa iyong kabuuan.
Isiping mong minahal ka ng pamilya at mga kaibigan mo sa kung ano ka kaya bakit mo iisiping may mali o may pangit sa iyo?
Ikaw lang naman ang nag-iisip niyan at ikaw lang din ang nagpapahirap sa sarili mo. Para sa mas magandang buhay, mahalin mo ang kabuuan mo kahit na ano pa iyan.
Mahirap o challenging ang pagpapanatili ng healthy body image lalo na’t napalilibutan tayo ng mga celebrity na tila perfect na perfect ang katawan gayundin ang kanilang pamumuhay.
Kung iisipin nga naman natin, hindi natin maiiwasang malungkot o mainggit.
Gayunpaman, hangga’t maaari, para na rin sa ating sariling kapakanan ay panatilihin natin ang healthy body image.
Comments are closed.