TIPS PARA SA FOOD-FRIENDLY BEACH DAY

FOOD-FRIENDLY BEACH DAY

(Ni CS SALUD)

NGAYONG ramdam na natin ang pagsapit ng summer, tiyak na marami ang excited magtungo sa beach. Kapag mainit nga naman ang panahon ay napakasarap magtampisaw at magbabad sa tubig.

Bukod din sa paghahanda ng swimwear at salbabida, isa pa sa pinag-iisipan ng marami ay ang mga pagkaing dadalhin sa beach. Hindi nga naman basta-basta ang pagdadala ng pagkain sapagkat may ilan na madaling masira. Kumbaga, mainitan lang o makulob, nasisira na kaagad.

At sa mga nagpaplanong magtungo sa beach ngayong summer, narito ang ilang tips lalo na kung magdadala kayo ng pagkain nang maging ligtas ang bawat isa at makapag-enjoy:

MAGDALA NG MARAMING TUBIG

Importante ang tubig ngayong mainit ang panahon. Para nga naman mapanatiling hydrated ang katawan, napakahalagang nakaiinom tayo ng maraming tubig. kaya naman, magdala ng maraming tubig lalo na kung lalabas ng bahay o magtutungo sa beach nang mapanatiling hydrated ang ka-tawan.

Kahit anong panahon din at pagkakataon, kailangang uminom ng maraming tubig.

Sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig ay maiiwasan ang stroke at pagkakaroon ng sakit na dulot ng init ng panahon.

MAGBAON NG NUTS AT DRIED FRUITS

Safe ring baunin sa beach ang snack gaya ng nuts at dried fruits dahil puno ito ng protina at carbohydrates.

Kung magbababad nga naman sa ilalim ng sikat ng araw, napakahalagang nakakakain tayo ng mga pagkaing nakapagbibigay ng enerhiya gaya na nga lang ng nuts at dried fruits.

Napakadali lang din nitong dalhin, masarap pa at hindi madaling masira.

NO…NO… SA DAIRY AT MAYO

Isa naman sa dapat na iwasan kapag mag­hahanda ng babau­ning pagkain patungo sa beach ang mayo at dairy. Ang mga nabanggit na pagkain ay madaling masira.

Kaya naman, para maging exciting ang pagtungo sa beach, iwasan na ang pagdadala ng dairy products at paggamit ng mayonnaise.

IWASAN NA MUNA ANG DIP

Sumasarap nga naman ang chips kapag mayroong dip. Gayunpaman, dapat din itong iwasang dalhin sa beach lalo pa’t madali itong kapitan ng dumi. Isang ihip lang ng hangin ay maaari nang madikitan ng buhangin ang salsa o dip. Hindi pa naman agad-agad mapapansin ang dumitng kumapit sa dip.

Kaya para sa kaligtasan, huwag na munang magdadala ng dip sa beach.

MAGDALA NG FROZEN FRUITS

Mainam din ang pagdadala ng frozen fruits sa beach. Napakasarap nga namang kumain ng prutas habang nasa beach. Pero hindi lamang iyon ang dahilan kung kaya’t kailangang magdala ng frozen fruits kundi double duty ang mga ito.

Hindi lamang ice cubes ang kayang makapagpanatili ng lamig sa cooler, bilang alternative, maaari ring i-freeze ang grapes o berries saka ito ilagay sa cooler. Makakain na, makatutulong pa sa pagpapalamig ng iba pang pagkaing dadalhin.

Mainam din ang pagdadala ng fresh and watery fruits tulad ng pak­wan.  Ang mga prutas ay refreshing at makatutulong sa ating ma-beat ang sum-mer heat.

BEACH-THEMED FOOD

Kung may mga kasama namang bata, pasayahin ang mga ito sa pamamagitan ng pagdadala ng mga beach-themed food gaya ng goldfish crackers, Shark Bite fruit snacks, at seaweed crackers.

Masarap ang magtungo sa beach. Pero dapat ay may kaalaman tayo nang mag-enjoy at maiwasan ang problema.

(photo credits: gutterpy.com, hutterstock.com, veganheaven.org at rd.com)

Comments are closed.