NAYONG panahon ng pandemic, napakaraming naapektuhan ang kabuhayan. Ito ay dala ng mgarestrictions na kailangan nating sundin upang maiwasanang lalo pang pagkalat ng COVID-19. Pero, angrestrictions ay para lamang tayo ay hindi mahawa o makahawa. Hindi kasama rito ang restriction sa ating abilidad na maging isang entrepreneur at makapagtayo ng sarili nating negosyo.
Marami na nga ang nagtayo ng kani-kanilang small businesses at malamang ay isa ka na samga business owners o kaya naman ay nag-iisip na ring magtayo ng sarili mong negosyo. Kaya sa ating usapan ngayong linggong ito, narito ang ilang BES tips para sa mga bago at nag-iisip na magingentrepreneur.
MAGKAROON NG PLANO
Bilang isang entrepreneur, mahalaga na malinaw para saiyo ang direksiyong tatahakin ng iyong negosyo. Mas magandang maisulat mo at mapag-aralan kung ano nga ba ang negosyong iyong itatayo, paano ang magiging operasyon nito, magkano ang kakailanganin mong capital, at magkano ang kailangan mong maibenta (kung product related ito) o singilin (kung service based ito) para ikaw ay kumita. Mahalagang mailatag mo ito nang maaga at mapag-aralan upang maging tama ang iyong mga susunod na hakbang.
MAGING MAINGAT SA IYONG BUSINESS BUDGET
Dapat ay iwasan muna ang labis na paggastos sapagsisimula ng iyong negosyo. Bumili lamang ng sapat na materyales o supplies. Kung maaari, gumamit muna ng mga existing na kagamitan upang mabawasan ang kakailanganing capital. Tandaan, hindi palakihan ng gastos sa pagsisimula ang labanan, kundi pagalingan ng diskarte upang bumaba ang mga gastusin. Alalahanin na kakailanganin ng panahon bago mabawi ang iyong puhunan, kaya mas mababa ang magastos sa umpisa, mas mabilis ang balik ng capital at pagdating ng iyongkita.
MAGING MADISKARTE SA PAG-AALOK NG IYONG PRODUCT O SERVICE
Napakarami nang paraan upang makilala at maialok ang iyong produkto o serbisyo. Kailangan lang ngkaunting kaalaman at maraming tiyaga, pati na rin ng ilang resources na siguradong mayroon ka na para magawa ito. Nariyan ang mga libreng pag-post sa mga online platforms na maaari mong gamitin para mas maraming makaalam tungkol sa bago mong negosyo.
KILALANIN ANG IYONG CUSTOMER
Ito ay isa sa mga pinakaimportanteng hakbang ng isangbagong entrepreneur o negosyante. Napakahalagang alam mo kung sino ang iyong magiging customer. Sa mabuting pagkakakilala mo sa iyong target market, masisigurado mong ang produkto o serbisyo mong ibibigay ay maka-tutugon sa kanilang mga pangangailangan. At kapag maayos mong magawa ang hakbangna ito, siguradong mayroon at mayroon kangmagiging customer.
HUWAG BALEWALAIN ANG MGA REKLAMO AT HINAING
Sa larangan ng negosyo, siguradong magkakaroon ka ng mga customer na hindi naging masaya sa iyong produktoo serbisyo. Huwag itong balewalain. Alamin ang dahilan at siguraduhin na ang mga reklamong ito ay magamit upang mas mag-improve pa para sa iyong c
ustomers.
HUWAG MAHIYANG HUMINGI NG TULONG
Bilang isang bagong entrepreneur, maraming bagay ang maaari mong matutunan mula sa karanasan ng iba ring entreps. Isang magandang hakbang ay ang humanap ng mga indibidwal o grupo na maaaring makatulong sa iyo. Tandaan, huwag mahihiya. Mas mabuti ang humingi ng payo at tips mula sa ibang dumaan na sa daraanan mo pa lamang. Ang pagkakaroon ng mentor o taong makapagtuturo sa iyo ay makapagbibigay sa iyo ng mas malawak pang pagkakaunawa sa larangan ng pagne-negosyo. Maaaring maging mentor ang iyong kaibigan, kamag-anak o kaya naman ay ang mga katulad kong nagbibigay rin ng payo sa pamamagitan ng mga isinusulat ko linggo-linggo.
PANGALAGAAN ANG IYONG SINIMULAN
Ang mga mahuhusay na entrepreneur ay hindi humahanap ng mga hakbang o gawain na maaaring maging mapanganib sa kanilang negosyo. Dapat ay hindi masyadong agresibo ang iyong mga hakbang na gagawin upang siguradong mapangalagaan ang iyong nasimulan.
MATUTO SA IYONG PAGKAKAMALI
Hindi sa lahat ng oras ay tama ang iyong magiging mga hakbang o desisyon bilang isang nagmamay-ari ng isang negosyo. Subalit hindi dapat maging dahilan ang mga pagkakamaling ito upang ikaw ay panghinaan ng loob at sumuko. Bagkus, dapat ay gamitin mong parang mga baitang ang mga naging mali upang matuto at mas mapabuti pa ang iyong negosyo. Ang mga matututunan mo mula sa mga magiging experience mo bilang isangnegosyante ang siyang makatutulong sa iyo na makapagde-sisyon at makagawa ng mga mas mainam pang hakbang.
MANIWALA KA SA IYONG SARILI
Napakahalaga na sa pag-uumpisa ng iyong negosyo na ikaw ang unang-unang maniwala na ito ay magiging matagumpay dahil sa iyo. Marami ang magsasabi sa iyo na ngayong mga panahong ito ay napakahirap para sa mga negosyante, subalit kung ikaw ay maniniwala sa iyong sarili at sa produkto o serbisyong iyong ino-offer, lahat ng hirap ay makakayanan mo.
At higit sa lahat, sumubaybay dito sa PILIPINO Mirror tuwing Huwebes at ugaliing basahin ang ating Usapang BES para sa mga karagdagang kaalaman tungkol sa business, entrepreneurship, at samu’t sari pang iba.
106022 898617Just a smiling visitant here to share the love (:, btw outstanding pattern . 989713
689920 51754I certainly enjoyed the method that you explore your experience and perception with the location of interest 767441