(Ni CT SARIGUMBA)
NAPAKAHIRAP nga namang pigilin ang kagustuhan natin sa pagkain. Mas hihirap pa iyan lalo na kung sa mismong kusina o pantry natin ay may nakahandang iba’t ibang pagkaing katakam-takam at hindi natin magawang hindian.
Sino nga naman ang aayaw sa pagkaing nasa ating harapan na sa amoy at hitsura pa lang, gugutumin ka na.
Kaya tuloy, marami sa atin ang nadaragdagan ang timbang at hindi magawang pigilin ang sariling mapakain ng marami at kahili-gan ang mga unhealthy food.
At dahil nagsisimula sa kusina ang pagiging healthy ng buong pamilya, kailangang i-upgrade o i-makeover natin ang ating kusina o pantry.
Kailangang alam natin kung ano-anong bagay, produkto o pagkaing naroon.
Kaya naman, narito ang ilang tips na maaaring subukan ng maging healthy ang buong pamilya, sa kahit na anong panahon:
I-CHECK ANG KUSINA
Lahat naman tayo ay naglalaan ng panahon upang maglinis ng kusina o pantry. Pero hindi lamang dapat dumi ang kailangan nating tanggalin kundi maging ang mga unhealthy na pagkain gaya na lang ng cup noodles, diet sodas and artificial sweeteners, sports drinks at kung ano-ano pa.
Kung may mga unhealthy food kasi sa ating pantry, mas lalo lang tayong mae-engganyong mahilig sa ganoong pagkain.
Mahihirapan tayong iwasan ito dahil nandiyan na sa ating harapan.
Kaya’t para maging healthy ang buong pamilya, isa sa mainam gawin ay ang pag-iimbak ng mga healthy food gaya ng gulay at prutas. Kung mahilig din kayo sa mga unhealthy food gaya ng nabanggit nga kanina, iwasan na ang pagbili ng mga ito o mas ma-gandang huwag nang bumili.
I-check din ang expiration date ng mga pagkaing nasa pantry nang masigurong hindi pa expired ang produkto o pagkaing nakaimbak doon.
MAG-IMBAK NG HEALTHY SNACKS PARA SA BUONG PAMILYA
Isa rin sa hindi natin puwedeng kaligtaan ay ang mga healthy snack na kahihiligan ng ating pamilya.
Dahil mahilig nga naman sa meryenda ang bawat Filipino o ang bawat isa sa atin.
Kaya naman mainam kung healthy o masusustansiyang meryenda ang bibilhin o iimbak sa kusina o pantry.
Puwede ring gumawa ng mga healthy snack gaya ng oatmeal cookies o kaya naman watermelon popsicle. Swak din ang mga fruit smoothies.
Tiyak na magugustuhan ito hindi lamang ng mga tskiting kundi ng buong pamilya.
MAGHANDA NG HEALTHY NA BREAKFAST
Sa umaga pa lang, kailangang healthy na ang inihahanda natin sa ating pamilya. Oo nga’t agahan ang isa sa pinakamahirap gawin. Gayunpaman, may mga breakfast na bukod sa healthy ay napakadali lang lutuin gaya na lang ng cereals na may fresh fruits. O kaya naman, toast bread na may cheese and tomato. Puwede rin naman ang toast bread at avocado spread.
Kumbaga, maging madiskarte lang, tiyak na may maihahanda kang masarap at healthy na breakfast para sa buong pamilya.
MAGLUTO KASAMA ANG PAMILYA
Isa rin sa simpleng paraan ay ang pagluluto kasama ang pamilya. Minsan nga naman ay kinatatamaran nating mag-isip ng mga lulutuin kaya’t kung ano na lang ang nandiyan, iyon ang iniluluto at inihahanda natin.
Sabagay, kung araw-araw ka nga namang nag-iisip ng mga lulutuin ay talagang mawawalan ka ng ideya. Pero isa sa makatutu-long sa iyo at makapagbibigay ng ganang maging creative sa kusina ay kapag kasama mo ang iyong pamilya sa paghahanda at pag-luluto.
Magandang bonding din ito na tiyak na magpapawala sa stress na iyong nadaraman.
Simulan natin sa paglilinis at pag-aayos ng ating kusina para sa kalusugan ng ating pamilya. Dahil sa simpleng paglilinis o pagtsetsek lang ng pantry, magagawa na nating maging healthy ang ating mahal sa buhay.
Comments are closed.