HINDI mabilang ang mga taong nahihilig o nag-aasam na makarating sa iba’t ibang panig ng mundo. Nakapagdudulot nga naman ng ibayong kaligayahan ang pagdayo sa iba’t ibang lugar na ipinagmamalaki ng bawat bansa o pook.
Hindi nga naman maiwasang maengganyo tayong magliwaliw lalo pa’t napakarami nating matututunan kung darayo tayo sa isang lugar. Hindi lamang dahil sa gandang masisilayan ng ating mga mata, kundi ang kaluwalhatiang naidudulot nito sa ating buong pagkatao.
Masarap nga naman ang mamasyal. Masayang gawin ito—mag-isa man o mayroong kasama. Ngunit may kaakibat na prob-lema ang pamamasyal lalo na kung hindi tayo mag-iingat. Maaari kasi tayong maloko sa lugar na ating pupuntahan. Maaari tayong mapahamak.
Kaya naman, narito ang ilang tips na maaaring gawin nang mga taong mahilig dumayo sa iba’t ibang lugar nang hindi maloko at magkaroon ng problema sa biyahe:
MAGING MAINGAT SA PAGPILI NG TRAVEL AGENT
Kung hindi ka nga naman sanay sa pupuntahang lugar, o kaya naman ay first timer ka, unang-unang naiisip natin ang pagkuha ng travel agent. Kahit nga grupo kayo, mas mainam talaga ang mayroong travel agent nang mapadali ang mga bagay-bagay.
Gayunpaman, hindi ganoon kasimple ang pagkuha ng travel agent. Kailangang maging maingat. Bago magtiwala at sig-uraduhing tunay at mapagkakatiwalaan ito.
Marami na sa ngayon ang manloloko. Marami na rin ang naloloko. Mahirap na kung daragdag pa tayo.
HANGGA’T MAAARI MAG-TRAVEL NANG MAY KASAMA
Oo nga’t masaya ang mag-travel nang mag-isa sapagkat magkakaroon ka nga naman ng oras at panahon sa iyong sarili. Maka-pagre-relax ka at magagawa mo ang mga bagay na hindi mo nagagawa.
Ngunit kung tour o grupo ang sasamahan mo, mainam kung mayroon kang kasama na kilala mo talaga.
Kapag tour o grupo, dalawa sa room. Paano kung hindi mo naman kakilala ang makasama mo sa kuwar-to. Hindi ka makapagre-relax. Hindi ka makapagpapahingang mabuti sapagkat iisipin mo nang iisipin kung masamang tao ba o hindi ang kasama mo sa silid.
Advisable talaga o mainam kung may kasama ka na sobrang kilala mo gaya ng kapamilya o kaibigan. O kaya naman, kasama sa trabaho.
MAG-RESEARCH NANG MAGKAROON NG KAALAMAN SA LUGAR NA PUPUNTAHAN
May kasama ka man o wala sa pagbabakasyon o pamamasyal, mahalagang mayroon kang alam sa lu-gar na inyong pupuntahan.
May ilan sa atin na iniaasa na lamang ang lahat sa kasama.
Tandaan, hindi sa lahat ng minuto o pagkakataon ay masasabi mong nandiyan siya sa tabi mo. Paano kung bigla siyang may pinuntahan o ginawa nang hindi ka kasama at wala kang kahit na katiting na kaal-aman sa lugar na pinuntahan ninyo, kawawa ka.
Kaya para maging handa palagi at nang ‘di maloko, malayo pa lang o matagal pa ang pag-alis ay mag-research sa pupuntahang lugar. Puwede mong alamin kung ano-anong pagkain ang patok doon. Gayundin ang ugali ng mga taong naninirahan doon. Mas okey nga rin kung may alam kang kahit na kaunti o iilang salita nila.
Mainam din kung magre-research sa mga lugar na maaari ninyong puntahan kung nagpaplano kayong mamili. Maging ang presyo ay alamin din nang hindi maloko.
HUWAG BASTA-BASTA MAGTITIWALA
Tayo pa naman, pakitaan lang ng mabait ay nagtitiwala na kaagad. Matulungan lang sa pagbubuhat ng bagahe, mabait na kaagad ang tumulong. Mangitian lang, palakaibigan na kaagad.
Hindi naman sa masamang tao ang lahat ng nilalang. Ngunit mahalagang maging maingat tayo lalo na kung nasa ibang lugar tayo.
Hindi natin nalalaman ang kalakaran sa nasabing lugar. Kung magiging pabaya tayo, tiyak na tayo lang din ang kawawa.
MAGHANDA NG PLAN B
At dahil walang kasiguraduhan ang bawat bagay at pangyayari, dapat ay ready ka palagi. At para hindi masira ang bakasyon mo, kailangang may nakahanda kang iba pang plano. Para kapag nasira o may nangyaring aberya sa plan A, may Plan B ka pa na mag-sasalba sa iyo at sa iyong bakasyon.
Masarap ang magliwaliw. Pero mas magiging masarap ang pagdayo sa ibang lugar kung ligtas tayo at walang kahit na anong prob-lema. CT SARIGUMBA
Comments are closed.