(Nego-serye ni Eunice Calma)
PUMASOK na tayo sa digital commerce habang lumalawak na rin ang millenials na nangangahulugan nakasandig sa internet at hindi lamang mga isinilang sa panahon ng cyberspace.
Dahil sa bilis ng panahon, malalakas ang loob ng mga negosyante na makipag-usap sa hindi nila nakikita.
Nakikipagtransaksiyon sa pamamagitan ng internet at text messages na kung babalikan ang panahon 20 taon ang nakalilipas, walang magtitiwala na magbenta at magbayaran sa simpleng pag-uusap lamang sa messenger o sa cellphone.
Dahil mabilis ang pag-asenso ng kaisipan, nagiging pamilyar ang lahat sa e-commerce na malaking tulong dahil bukod sa iwas traffic congestion, mas magiging produktibo pa.
Kung hindi pa rin pumapasok sa genes ninyo ang e-commerce o digital selling, narito ang ilang tips para maging matagumpay at makaiwas sa mga fraudster.
Sa pagtitinda sa online, tiyaking tama ang ino-offer na specification sa inyog produktong ipinakita sa internet.
Maging diretso sa pakikipag-usap sa client/buyer at hindi para lamang mapa-oo ang binebentahan.
Diretso sa alok na presyo, terms gaya ng kung ilang darating ang binili, gayundin ang charges sa shipping.
Hindi dapat mabigla ang inyong buyer sa halaga ng kaniyang babayarang shipping fee at ng mismong biniling produkto, dahil ang masaklap na posibleng mangyari ay tanggihan ang delivery o kung tanggapin naman, iyon na ang first and last order niya.
Ang epekto nito, sira na ang iyong e-store sa ibang client dahil siguradong ikukuwento ka.
Sa panig naman ng buyer, maging mausisa sa produktong bibilihin, maging prangka sa inyong pagtatanong para sa quality, sa presyo at maging sa size.
Huwag basta ibibigay ang mahahalagang detalye ng inyong debit/credit card, kung maaari ay COD (cash on delivery) ay ganoon na lamang ang gawin.
Mas mabuti nang maingat kaysa malamangan, mas masakit iyon.
Kung nakikipag-ugnayan sa mga online seller at sinabing i-deposit, agad tanungin kung saan branch dahil may pagkakataong mayroong mga bangko na may extra charge kung nasa probinsya, kaya kung nais na makamenos, maging sigurista.
Bagaman ang “customer are always right,” huwag namang abusuhin ang prinsipyong iyon, sa halip maging fair lamang sa pakikitungo.
Dahil kung maangas ka, for sure, kung paano itsinismis ng dismayadong buyer ang seller, ganoon din ang sasapitin ng mga naasar na online seller.
Ang pinupunto ng PILIPINO Mirror, maging patas ang judgement at kung hindi nagkasundo sa presyo, sabihin ito ng diretsahan para kapwa magpatuloy ang buhay ng online seller at ng buyer.
Bago umorder sa e-store, alamin din ang reputasyon ng bibilihan.
Take note, tanging ang internet lamang ang maaaring tanungin dahil tiyak maraming sagot sa inyong katanungan na maaari namang paniwalaan.