(ni CS SALUD)
MARAMI sa atin na kaysa nga naman ang gumastos o mag-rent pa ng lugar para makapag-party, mas pinipili na lang na sa bahay gawin ang pagsasaya. Mas tipid nga naman ito at makapagpo-focus pa kayo sa pag-iisip ng masarap na pagkain. Higit sa lahat, safe rin kayo dahil nasa bahay lang kayo nagsasaya. Makaiiwas din kayo sa stress na dulot ng traffic.
Hindi nga naman kailangang magtungo o mag-rent pa tayo ng lugar para lang makapag-party kasama ang mga kaibigan at kapamilya, sa bahay lang ay puwedeng-puwede natin itong gawin.
Kung hindi kalakihan ang espasyo sa loob ng bahay, puwedeng gawin sa veranda, garden o kaya naman sa garahe.
Masarap din ang magpa-party sa bahay. At dahil paniguradong marami ang nag-iisip na sa bahay na lang gawin ang pagsasaya o pagpapa-party kasama ang mga kaibigan, kapamilya at maging katrabaho, narito ang ilang simpleng paraan na puwedeng subukan o isaalang-alang:
GUMAWA NG LISTAHAN NG IIMBITAHIN AT LULUTUIN O IHAHANDA
Listahan ng mga iimbitahin, gayundin ng mga pagkaing ihahanda, ilan lamang iyan sa dapat nating isaalang-alang kapag magho-host tayo ng party sa ating tahanan. Sa pamamagitan din ng paglilista ng mga iimbitahin ay malalaman kung gaano karami ang darating.
More or less, sosobra ang bilang ng darating kaysa sa imbitado lalo na’t mahilig tayong magyaya ng kasama. Kumbaga, dahil inimbita tayo, nag-iimbita rin tayo ng iba nang mayroon tayong makasama sa pupuntahang pagtitipon.
Isaalang-alang din ang mga pagkaing ihahanda o lulutuin. Piliin ang mga pagkaing matagal kung masira.
Maaari ring mag-request sa mga dadalo o inimbitahan ang pagpapadala ng pagkain kung gusto nila.
Maglaan din ng budget sa gagawing party. At hangga’t maaari ay huwag lalampas sa ilalaang budget.
GAWING SIMPLE ANG MGA IHAHANDANG INUMIN
Hindi nawawala ang mga inumin kapag holiday—nakalalasing man iyan o hindi. Sa kahit nga naman anong handaan, hindi puwedeng pagkain lang ang ihahanda. Kailangang may iba’t ibang inuming lalong nagpapasaya sa naturang pagtitipon.
Sa pag-iisip ng ihahandang inumin—nakalalasing man iyan o hindi, gawin lang itong simple. Kumbaga, kung ano iyong available na inumin o ma-daling bilhin at ihanda ay iyon ang i-offer sa mga bisita.
Puwede rin namang hot chocolate o cicia ang ihanda kaysa sa inuming nakalalasing.
GUMAWA NG LISTAHAN NG MGA BIBILHIN
Bago rin magtungo sa grocery para mamili, gumawa rin muna ng listahan.
Mahirap kasi ang walang listahan ng mga bibilhin sapagkat tiyak na kapag may nagustuhan tayo, bibilhin kaagad natin ito kahit na hindi naman pala kailangan.
Sa pamamagitan din ng pagdadala ng listahan ng mga bibilhin ay maiiwasan ang pagbili ng mga bagay na hindi naman kailangan. Unahin ding isulat sa listahan ang mga talagang kakailanganin sa gagawing party. Halimbawa na lang ang mga pagkaing ihahanda. Gayundin ang mga kakailanganin o gagamitin gaya ng paper plate, spoon, fork at plastic na baso.
MAG-ISIP NG NAKATUTUWANG GAMES
Bata man o matanda ay nahihilig sa games lalo na kapag holiday. At para rin maging masaya ang gagawin ninyong Christmas party sa inyong tahan-an, mainam ang pag-iisip o paghahanda ng iba’t ibang games.
Ilan sa swak subukan ay ang family feud, bring me, stop dance, pagalingan sa pagkanta at kung ano-ano pa.
IWASAN ANG MA-STRESS
Kung tutuusin, sa panahon ngayon ay talagang sinusundan-sundan tayo ng stress. Hindi nga naman ito nawawala. Sa bahay pa lang, sa kalye o kal-sada, opisina at maging sa mall, maaari tayong ma-stress.
At dahil alam nating puwede tayong ma-stress sa gagawing party lalo na kung may mangyaring hindi inaasahan, huwag tayong padadala sa ating nararamdaman. Ngayon pa lang o bago pa lang ang party, ihanda na ang sarili. Magplano na rin ng mga gagawin sakaling may mangyaring aberya o hindi maganda.
Higit sa lahat, mag-enjoy tayo sa gagawing party. Minsan lang sa isang taon nagsasaya ang marami sa atin. Kaya naman ngayong holiday, sulitin na-tin ang panahon kasama ang ating mga mahal sa buhay. Gawin natin ang mga bagay na alam nating makapagpapasaya sa atin.
Tandaan na ang diwa ng Pasko ay pagmamahalan, pagbibigayan at pagpapatawaran. Kaya naman, kung may mga tampo o hinanakit diyan sa inyong mga puso, panahon na upang tanggalin ninyo iyan. Kalimutan at subukang magpatawad. Matuto rin tayong magbahagi ng mga blessing na ating nata-tanggap at ipadama natin sa marami ang pag-ibig.
Mag-enjoy tayo sa bawat araw na ibinibigay sa atin ng Diyos. Huwag nating sayangin ang pagkakataon. (photos mula s apinterest.com, valo-so.comdhgate.com,sheknows.com)
Comments are closed.